5:48 a.m.
Ito ang oras kung kailan mataas ang sex drive ng isang tao. Ayon sa British Medical Journal, sumasabay ang ating katawan sa pagsikat ng araw para maglabas ng maraming testosterone, ang sex hormone.
6:53 a.m.
Oras kung kailan malaki ang tsansa na atakihin sa puso at mamatay. Napag-alaman ng researchers ng Harvard University, ito ang oras kung kailan himbing na himbing sa pagtulog ang isang tao, at the same time, nakakaranas ng matinding panaginip. Sa katindihan, bumibilis ang tibok ng puso at ang adrenal glands ay naglalabas ng maraming adrenaline. Ang resulta ay biglaang paggising na nagiging dahilan ng pagputok ng ugat sa puso.
7:35 a.m.
Karamihan ay sa oras na ito gumigising, ayon sa UK Sleep Report. Nagiging mababaw na ang pagtulog dahil ito ang tayming kung kailan naglalabas ng orexin ang katawan. Ang orexin ay ang wakefulness hormone.
8:00 a.m.
Ito ang sandaling ang mga tao ay napakasaya, konklusyon ng mga researchers ng Cornell University. Ibinase nila ang konklusyon sa kinolekta nilang mga mensahe mula sa Twitter. Ito raw ang oras kung kailan nagpo-post ang mga tao ng kanilang happiest messages.
10:06 a.m.
Ito ang oras na sinisipag mag-ayos at magpaganda ng sarili ang mga tao. Ang konklusyon na ito ng mga researchers ay mula isanlibong babae na inobserbahan nila ang ikinikilos araw-araw.
11:00 a.m.
Malaki ang tsansa na mamatay ang isang tao sa ganitong oras. Ito ay magkakatotoo sa mga taong sobrang maagang gumising at nagtataglay ng AA genes. Ang konklusyon ay ibinatay sa obserbasyon nila at medical records ng 1,200 tao na may edad na 65 years old.
5:44 p.m.
Pinakamagandang oras na mag-workout. Nasa pinakamataas na level ang energy ng katawan sa pagitan ng 3 PM hanggang 6 PM. Ang lungs ay nadadagdagan ang lakas ng 17.6 percent pagkaraan ng 6 PM.
6:25 p.m.
Malaki ang tsansang mabuntis. Ayon sa mga researchers ng Modena University sa Italy, ang sperm cell ng mga lalaki sa nabanggit na oras ay super powerful. Mga 35 percent ang itinataas ng sperm’s potency tuwing sasapit ang nabanggit na oras.
10:51 p.m.
Ito ang panahong nagiging mas malikhain ang mga tao. Kaya ito ang best time para isagawa ang pagsusulat ng nobela, magdisenyo ng damit, magpinta at iba pang creative works. Sa nabanggit na oras umaapaw ang chemical sa utak na nagpapalakas ng ating memory at pagiging malikhain.