Ang maeskandalong pagkamatay ng hari

SI King George V of England ay lolo ni Queen Elizabeth II. Noong kasalukuyang siya ang pinuno, ang hari ay nagkasakit sa baga dulot ng pagiging heavy smoker. Noong lumala ang kanyang sakit, tumaas na ito sa stage 4 cancer. Dumaan ang maraming araw, lalong naging grabe ang kalagayan ng hari.

Binilang na ng mga doctor ang oras na itatagal ng kanyang buhay. Tinanggap na ng pamilya na malapit nang mamatay ang hari. Kaya upang maging maayos ang lahat, itinakda na ang petsa ng kanyang libing. Planado na ang lahat. Binigyan ng instruction ang London Times na i-hold ang pagsasara ng pahina—dahil ang announcement ng kamatayan ay ilalabas na ng palasyo alinmang oras sa araw na iyon.

Bitin na bitin na ang publication, gabi na ay hindi maisara ang front page ng London Times dahil humihinga pa raw ang hari. Delikadong ma-delay ang printing ng diyaryo. Dagdag pa ng mga doktor, mukhang  marami pa raw oras ang itatagal nito. May tendency na abutin pa kinabukasan.

Kaya isang pasya ang ginawa ng Palasyo, inutusan nito ang doktor na magsagawa ng euthanization sa naghihingalong hari ng gabi ring iyon. Para kinabukasan ng umaga, tamang-tama ang balita sa lahat ng diyaryo—“Patay na ang Hari”.

Ang katotohanang ito ay nabisto lang noong 1986 na nagdulot ng kontrobersiya dahil may nakabasa sa lumang diary ng doktor ni King George V. Kuwento nito: Pagkaraang utusan siya ng palasyo, siya mismo ang nagturok ng morphine at cocaine sa naghihingalo pang hari. Euthanasia ang tawag niya sa ginawa niya sa hari. Ang sabi ng doktor sa kanyang journal: “His family intended to both  grant the king a painless death and to guarantee that his passing would be announced in the morning papers rather than the “less appropriate evening journals.”

Gusto ng palasyo na ibalita ang kamatayan ng hari sa pang-umagang diyaryo kaysa panghapon diyaryo kaya minadali ang “kamatayan” nito sa gabi pa lang bago magsara ng pahina ang mga diyaryong pang-umaga.

Show comments