Daming pinerwisyo ng ‘pasaway’!

DAMI palang naperwisyo nitong pasaway na si ‘Poblacion Girl’ na si Gwyneth Anne Chua makaraang takasan nito ang mandatory quarantine sa hotel sa Makati.

Kamakalawa ay pormal na itong sinampahan ng kasong paglabag sa R.A. 11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act ng Philippine National Police (PNP)-Criminal Invetigation and Detection (CIDG).

Isinama sa kaso ang mga magulang at boyfriend nito at ilang staff ng Berjaya Hotel kung saan nito tinakasan ang quarantine.

Kung saan-saan pa ito gumala at dumaan pa sa isang party yun pala eh positibo siya sa COVID kung saan ilan ang kanyang nahawaan.

Ang Berjaya Hotel, ayun sinuspinde na ng Department of Tourism (DOT) ang accreditation at binawi na  rin ang permit bilang Multiple-Use Hotel dahil sa kabiguan na mapigilan ang ginawang pagtakas ni ‘ Poblacion Girl ‘ sa mandatory quarantine. Kahapon nga tuluyan na itong ipinasara ng Makati LGU.

O hindi ba dahil lang sa ilang pasaway dami na nadamay.

May nakikita rin umanong sabwatan na siya ngayong tinututukan ng CIDG.

May ulat kasi na nagbayad daw itong si ‘Poblacion Girl’ sa ilang hotel staff para maka-skip sa quarantine nang dumating ito sa bansa buhat sa Estados Unidos.

Ngayon pinatututukan na ni Pangulong Digong ang mga hotel na ginagawang quarantine facility dahil nga sa report na pinagkakakitaan ng ilan ang ganito.

Ang titindi di ba?

Marami pa rin ang kumikita dahil sa sa pandemya kahit ang kapalit eh kapahamakan ng iba.

Show comments