^

Punto Mo

EDITORYAL - Huwag palabasin ang mga bata

Pang-masa
EDITORYAL - Huwag palabasin ang mga bata

MAY report na may mga batang naa-admit sa ospital dahil sa sintomas ng COVID-19. Maraming bata ang inuubo na isa sa mga signs ng nakahahawang sakit. Karamihan sa mga bata ay hindi pa bakunado kaya mas madali silang dapuan ng COVID. Kaunting bilang pa lamang ang nababakunahan sa mga batang may edad 5 hanggang 11. Maski ang mga may edad 12 hanggang 17 ay hindi pa lubusang nababakunahan.

Noong nakaraang Pasko, maraming bata ang nagbahay-bahay para mamasko. Karamihan sa mga bata ay walang suot na face mask. Masayang-masaya sila habang bahay-bahay na namamasko. Kahit P5 ang iniaabot sa kanila ay tuwang-tuwa na. Bago pa ang pagbahay-bahay, marami na ring bata ang nangangaroling mula nang sumapit ang Disyembre. Exposed na exposed sila sa maraming tao.

Mula nang ilagay sa Alert Level 2 ang Metro Manila noong nakaraang Disyembre, pinayagan na ang mga bata na lumabas basta kasama ang mga magulang o guardians. Pinayagan na silang magtungo sa malls, amusement park, parks at mga museum.

Pinayagan na rin ang limitadong face-to-face classes para sa mga bata dahil sa pagbaba ng kaso ng COVID. Pero kamakalawa, sinabi ng Metro Manila Development Authority na suspendido ang face-to-face classes.

Kung bawal na ang face-to-face classes, nararapat ding bawalang lumabas ang mga bata. Huwag nang payagang pumunta sa mall. Manatili na lamang sa bahay para makaiwas sa COVID-19 partikular ang Omicron variant. Hindi na biro ang nangyayaring ito na ang arawang kaso ng COVID ay umaabot na sa 5,434. Ingatan ang mga bata.

 

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with