^

Punto Mo

EDITORYAL - Mga mapagsamantalang negosyante, bantayan!

Pang-masa
EDITORYAL - Mga mapagsamantalang negosyante, bantayan!

WALANG ipinagkaiba sa mga buwitre ang mga mapagsamantalang negosyante. Lumulutang sila kapag nasa gipit na kalagayan ang mga taong naging biktima ng kalamidad. Sasamantalahin nila ang pagkakataon para kumamal ng pera sa pamamagitan ng pagho-hoard o pagtatago ng kanilang produkto at saka ibebenta nang mahal sa mga tao. Ang mga tao naman dahil kailangang-kailangan ang pagkain at tubig, hindi na magagawang tumanggi at tatanggapin na lamang kahit ubod nang mahal ang paninda. Bahala na. Ang mahalaga ay makakain ang kanyang pamilya. Kahit doble ang presyo ng pagkain, papayag na para magkaroon ng laman ang kanilang tiyan.

Kaya kumakamal ng pera ang mga ­negosyante dahil sa dobleng presyo na ipinapatong sa kanilang produkto. Wala nga silang ipinagkaiba sa matatakaw na buwitre. Pati dugo ng mga kawawang biktima ng kalamidad ay kanilang sinisipsip. Wala na silang iniisip kundi ang kumita ng pera sa hindi tamang paraan.

Grabeng sinalanta ng Bagyong Odette ang maraming probinsiya sa Visaya at Mindanao na ikinamatay nang mahigit 300 katao. Nagiba lahat ang mga bahay sa Bohol, Dinagat Islands, Cebu City, Surigao City, Palawan at iba pa. ­Maraming nasirang pananim na tinatayang bilyong piso ang halaga.

Sa kasalukuyan, umaapela ng tulong ang mga biktima ni Odette. Kailangan nila ng pagkain, tubig, gamot, damit at iba pang ­pangangailangan. Pinangangambahan na magkaroon ng riot at ­looting dahil sa kawalan ng makakain.

Nagpadala na ng mga pulis para maiwasan ang looting at iba pang kaguluhan. Bantayan din ng PNP ang mga buwitreng negosyante. Huwag silang hayaan na makapambiktima.

vuukle comment

BUSINESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with