Black tea + Gatas - Ang black tea ay mayaman sa antioxidants. Ano ang antioxidants? Ito ang humahadlang sa pamamaga ng alinmang parte ng katawan na nagbubunga ng malalang sakit. Hinahadlangan din nito ang sakit sa puso at diabetes. Kapag hinaluan ng gatas ang tsaa, hindi masisipsip ng katawan ang antioxidants dahil hahadlangan ito ng milk protein.
Sa kabilang banda, hindi masisipsip ng katawan ang calcium mula sa gatas dahil hinaharangan naman ng caffeine. Mas mainam na lemon o calamansi ang ihalo sa tsaa dahil lalo nitong pinalalakas ang antioxidants.
White Bread + Jam - Ito ang perfect combination para tumaas ang blood sugar.
Alak + kape - Hindi madadama ang pagkalasing kapag uminom ng kape matapos uminom ng alak. Pinalalakas kasi ng caffeine ang energy ng isang tao kaya natatakpan ang kalasingan. Ang tendency, iinom pa nang iinom ng alak. Bunga nito, magiging malakas na ang loob nito na gumawa ng isang bagay na ikapapahamak niya dahil taglay na niya ang kakaibang lakas ng kalooban.
Dagdag pa ng mga researcher mula sa Wake Forest University School of Medicine, mas malapit sa aksidente ang mga taong pinagsasabay ang pag-inom ng kape at alak kaysa alak lang ang ininom.
Burger + Beer - Ang alcohol at pagkaing mamantika ay parehong dumadaan sa liver. Ang una munang sinasala ng liver ay alak kaya naiiwan ang fat na nakalutang sa bloodstream. Maiiwang nakatengga ang fat, hindi na ito masasala ng liver kaya walang choice ang fat kundi sumiksik sa fat tissue.
Nagpapahina ng digestion ang fat. Ito ang dahilan kung bakit may pakiramdam tayo na “bloated” matapos kumain ng pagkaing mayaman sa mantika.