Isang napakaliit na libro ang nabenta sa isang auction sa halagang $4,739.11 (236,000 pesos).
Ayon sa nagpasubasta nito na Arenberg Auctions, ang nilalaman ng libro ay Catholic Lord’s Prayer na nasa lengguwaheng Dutch, English, American English, French, German, Spanish at Swedish.
Ang librong ito ay inilimbag ng Gutenberg Museum sa Mainz Germany noong 1952 bilang fundraising project para ipatayo ang mga nasirang gusali na napinsala noong World War II.
Nagkakahalaga ng 1700 ang libro kaya hindi inakala ng Arenberg Auctions na aabot ang bidding sa halagang $4739.
May sukat na 5 millimeters ang libro at maihahalintulad ang laki nito sa pambura na nakakabit sa dulo ng lapis. Sa sobrang liit nito, kakailanganin ng magnifying glass para mabasa ang mga dasal na nakaimprenta sa librong ito.