^

Punto Mo

15 signs na aabutin ka ng 100 years old  

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

SIGURO iisipin mong wala sa lahi ninyo ang mahahaba ang buhay. Good news. Base sa bagong pag-aaral, 10 percent lang ang influence ng genes sa magiging haba ng buhay ng isang tao. Ang malaking porsiyento ng pagkakaroon mo nang mahabang buhay ay nakadepende sa mga choices mo sa buhay o iyong lifestyle na nakasanayan simula noong iyong kabataan. Ang mga sumusunod na impormasyon ay nakabase sa scientific studies:

1. Feeling young kahit “thunders” (matanda)  na. Kahit ikaw ay 50 anyos na, may pakiramdam ka sa iyong sarili ng 35 ka lang. Base sa British study, malaki ang epekto sa longevity kung may feeling ka na ikaw ay mas bata kaysa tunay mong edad. Dito papasok ang tinatawag na positive thinking. Payo ng mga scientists sa mga doktor, tanungin ang pasyente during their physical annual check-up na anong edad ang feeling nila sa kanilang sarili?

2. Mas marami ang kinakain na gulay at prutas kaysa karne.

3. Mabilis siyang mag-adapt sa bagong lugar, bagong sitwasyon, o kahit anong bago sa kanyang buhay. Tinatanggap niya ang pagbabagong nagaganap sa kanyang buhay nang maluwag sa loob.

4. Mahilig sa isda kaysa karne.

5. Ang istilo ng kanyang diet ay Mediterranean kung saan naka-concentrate ang kanyang kinakain sa olive oil, legumes, nuts, whole grains, fruits, veggies, at seafoods.

6. Araw-araw ay umiidlip siya ng 30 minutes pagkatapos mananghalian.

7. Regular na nagjo-jogging o kahit brisk walking.

8. May pinagkakaabalang hobby.

9. Hindi mo hinahayaang lumaki ang iyong bilbil. Sa babae, delikado na kung ang sukat ng waist ay 37 inches o higit pa. Sa lalaki 43 inches pataas. Ang ideal waist measurement sa babae ay 27 inches pababa at sa lalaki ay 35 inches pababa.  (Itutuloy)

EDAD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with