UPCAT kanselado
ALAM n’yo bang dahil sa COVID-19 pandemic, muling kinansela ang UP College Admission Test (UPCAT) para sa academic year 2022-2023.
Sabi nga, very good!
Ang nagdesisyon na kanselahin ang UPCAT ay ang konseho ng unibersidad. Noong academic year 2021-2022 kinansela rin ang UPCAT dahil sa pandemic.
Sa loob ng mahigit isang taon, karamihan sa mga kolehiyo at unibersidad ay nagpapatupad ng remote learning system.
Congrats sa mga bagong students na matatanggap at makakapasok ngayon sa UP!
• • • • •
‘Lolo maniac’ huli
Si Lolo Cristobal Barbetsy y Gecoso, 76, magsasaka, residente ng Purok Dumalagan, Bgy. Pantao, Libon, Albay at naninirahan sa Purok 1, Brgy Diaro, Malinao, Albay, ay nahuli sa kasong rape ng mga tauhan ni PRO5 Regional Director Jonnel Estomo.
Ayon sa kuwento, ginahasa ni Lolo Cris ang isang Rea (hindi tunay na pangalan). Isinumbong ng biktima sa kanyang mga magulang ang ginawa ng hayok sa laman. Kinasuhan nila ito hanggang sa tumakas at naglungga sa iba’t ibang lugar.
Sabi ni Estomo, makalipas ang isang taong pagtatago, natunugan ng kanyang mga tauhan kung saan ito nakatira kaya hindi sila nag-asksaya ng panahon at agad nila itong pinuntahan para arestuhin.
Bitbit ng mga tauhan ni Estomo ang warrant of arrest galing sa hukom laban kay Lolo Cris. Sabi nga, no bail recommended!
Ikinatuwa ng mga magulang, kamag-anak at mga kaibigan ni Rea ang pagkakahuli kay Lolo Cris na ngayon ay naghihimas na ng rehas.
- Latest