Facts tungkol sa Aswang (Part 6)
Paano ba nagiging aswang?
• Namana sa angkan.
• Ipinasa ng aswang ang bertud sa taong boluntaryong nais maging aswang.
• Ipinasa sa “unwilling victim”.
• Nagsagawa ng sariling ritwal ang taong pangarap maging aswang.
Kapag naghihingalo ang pinakamatanda sa pamilya ng aswang, ito ay ipinapasa sa kanyang asawa na hindi pa ganap na aswang o kung patay na ang asawa, ito ay ipinapasa sa panganay na anak. Ang anak na pagpapasahan ay ilalapit ang kanyang bibig sa bibig ng matanda. Pagdidikitin nila ang kanilang dila upang makatawid ang maliit na sisiw at tuluyang mamahay sa tiyan ng anak.
Kailangang buong puso ang pagtanggap sa sisiw na ililipat sa kanyang katawan dahil kung hindi, siya ang mamumutla at papayat hanggang sa mamatay. Hindi mamamatay ang naghihingalong aswang hangga’t hindi niya naipapasa ang sisiw sa kapamilya.
Ang aswang na may magandang kalusugan ay puwede rin magpasa ng kanyang bertud sa normal na taong pumapayag na maging aswang. Ang proseso ay kagaya rin ng nasa itaas.
Sa mga “unwilling victim”, halimbawa ay asawang walang kaalam-alam na ang napangasawa pala niya ay aswang. Ganito ang ginagawang pagpasa: Dinuduraan nila ang softdrink o pagkain ng biktima o kaya ay hinahaluan ang pagkain ng karne ng tao. Ang germs mula laway o karne ay magiging sisiw sa loob ng kanilang tiyan. Ang senyales na ganap nang aswang ang “unwilling victim” , ay naglalaway na siya kapag nakakakita ng buntis o gusto niyang daklutin ang buhay na manok at kainin ito.
Ano ang ginagawa ng isang normal na tao na gustong maging aswang pero walang kakilalang aswang na magpapasa sa kanya ng bertud?
(Itutuloy)
- Latest