Ang hi-tech x-ray machine

BILANG bahagi ng pangako ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero na pahusayin ang seguridad sa hangganan at pagpapadali sa kalakalan, ang BOC-NAIA sa pangunguna ni NAIA District Customs Collector Mimel Talusan sa pakikipagtulungan ng People’s Air Cargo (Paircargo) ay pinasinayaan ang pinakabagong karagdagan scanning capabilities sa ikalawang X-ray machine ng nasabing bodega.

Ang kaganapan ay dinaluhan ni BOC Internal Administration Group (IAG) Deputy Commissioner Donato B. San Juan. Dumalo rin sina Talusan, Paircargo President and CEO Joseph C. Madrigal, XIP acting chief Gen. Roberto T. Ancan, mga deputy collector at opisyal ng BOC-NAIA at Paircargo.

Dinagdagan ng Paircargo ang kanilang x-ray machine upang palakasin ang mga kakayahan nito sa pagproseso at pagpapalabas ng mga kargamento para makita ng husto kung may tinatago o wala ang mga nagpasok ng shipment sa nasabing bodega,

Ikinatuwa ni Talusan, ang karagdagang x-ray machine at pinuri niya ang inisyatiba ng Paircargo at idinagdag na ang malakas na partnership sa pagitan ng BOC at ng bodega ay nagbunga ng mas magandang serbisyo sa mga importer at broker.

Idinagdag ni Talusan na ang inagurasyon ay resulta ng patuloy na pagsisikap sa reporma ng Kawanihan na nagsisimula nang makuha ang tiwala at pangako ng mga katuwang nito na nagdulot ng kanilang pamumuhunan sa mga karagdagang kakayahan upang mapakinabangan ang pinabuting pagproseso ng BOC.

Ang matibay na pakikipagtulungan ng BOC-NAIA sa mga service provider at warehouse ay nagbunga ng matagumpay na kampanya laban sa smuggling na pinatunayan ng kabuuang pagkakasamsam ng P157,066,144.84 para sa 2021.

Tinatayang P95.42 milyong halaga ng mga hindi rehistradong gamot, smuggled luxury goods, at hindi rehistradong beauty products ang naharang sa Paircargo mula noong 2018 hanggang sa kasalukuyan.

Ang BOC-NAIA ay patuloy na nagtatagumpay sa layunin ni Commissioner Guerrero na palakasin ang seguridad sa hangganan, pagpapadali sa kalakalan at legal na pagkolekta ng revenue collection. nagdulot ng kanilang pamumuhunan sa mga karagdagang kakayahan upang mapakinaba­ngan ang pinabuting pagproseso ng BOC.

Ang matibay na pakikipagtulungan ng BOC-NAIA sa mga service provider at warehouse ay nagbunga ng matagumpay na kampanya laban sa smuggling na pinatunayan ng kabuuang pagkakasamsam ng P157,066,144.84 para sa 2021.

Tinatayang P95.42 milyong halaga ng mga hindi rehistradong gamot, smuggled luxury goods, at hindi rehistradong beauty products ang naharang sa Paircargo mula noong 2018 hanggang sa kasalukuyan.

Ang BOC-NAIA ay patuloy na nagtatagumpay sa layunin ni Commissioner Guerrero na palakasin ang seguridad sa hangganan, pagpapadali sa kalakalan at legal na pagkolekta ng revenue collection.

Show comments