Facts tungkol sa aswang (Part 5)
• Kapag natukoy na ng flying aswang ang bahay ng buntis, maglalanding siya sa bubong upang planuhin kung paano niya kakainin ang fetus. Aalamin niya kung saan nakahiga ang buntis. Mas inuna niya ang bahay ng buntis kaysa anupaman dahil napakalinamnam daw ng fetus lalo na ang liver nito.
• Kapag nakita niya kung nasaan ang buntis, unti-unti niyang ibababa sa tiyan ng buntis ang sungot ng kanyang bibig. Nagmumukha itong sinulid upang hindi gaanong mapansin. Itutusok niya sa tiyan ang matulis na sungot upang sipsipin ang fetus.
• Kung may pinag-aralan ang aswang, gagawa siya ng paraan upang makapagtrabaho sa ospital upang mapalapit sa area ng nursery.
• Kung ang natapatan naman niya ay maysakit, mas malubha ang sakit na hindi na bumabangon ang pasyente, mas gusto nila.
• Ang busog na aswang ay mukhang buntis na halos pumutok na ang kanyang tiyan. Kapag nakakita ka ng babaeng super laki ang tiyan pero kasing-laki lang ng kalamansi ang suso niya, may tsansang aswang siya at busog lang sa kanyang masarap na “hapunan”. Ang totoong buntis ay lumalaki ang suso dahil naiipon doon ang gatas na ipapasuso niya sa kanyang isisilang na sanggol.
• Kapag busog na, babalikan niya ang kalahati ng katawan na iniwan niya sa tagong lugar. Wala namang ganitong proseso ang aswang na naglalakad at lumilipad na buo ang katawan.
• Ang mabahong amoy ng magic oil na ipinapahid niya sa katawan bago mag-anyong aswang ay natatanggal sa pamamagitan ng pagsambit ng orasyon habang naliligo sa ilog. Pagkapaligo manunumabalik muli ang kanyang anyong tao bago magbukang liwayway.
(Next: Paano nagiging aswang?)
- Latest