Facts tungkol sa aswang (Part 3)
• May tatlong klase ng aswang: Naglalakad; lumilipad na buo ang katawan at kamay lang ang ikinakampay niya; lumilipad gamit ang pakpak pero kalahati lang ang katawan at ang lower part ay iniiwan sa tagong lugar kagaya ng sagingan. Pinagmumukha nilang puno ng saging ang kalahati ng katawan.
• Aswang na naglalakad: Pagsapit ng ala-sais ng gabi kung kailan nagsisimula nang dumilim, saka magdedesisyon ang aswang kung saan siya pupunta at maghahanap ng kanyang “hapunan”. Alinman sa mga sumusunod ang kanyang gagawin: 1) Kukuhanin niya ang kanyang lusong kung saan binabayo ang palay para maging bigas. Itatapat niya ang kanyang taynga at papakinggan kung saan nanggagaling ang nag-iiyakang mga kamag-anak ng namatayan. Dito niya papakinggan ang daing o ungol ng isang naghihingalong maysakit. Sa gabi, may extra power ang kanyang sense of hearing at nalo-locate niya kung saan pupuntahan ang mga naririnig niya.
• Kung wala naman siyang lusong pinakikinggan niya ang iyak ng mga naulila at daing ng naghihingalong maysakit sa balon ng tubig. O, kaya ay pinakikinggan niya ito sa hukay sa lupa na nilikha niya sa tagong lugar sa loob ng kanyang bakuran.
• Kapag narating ng aswang ang bahay ng kanyang pakay, sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan, nakakasiksik agad siya sa ilalim ng higaan ng maysakit o sa poste ng bahay. Puwede siyang mag-anyong kasing payat ng poste upang hindi ma-detect ang kanyang presence.
• Kung sa lamayan ng patay naman ang kanyang pupuntahan, nagiging simbilis siya ng hangin sa pagnanakaw ng patay at pakatapos ay palitan ang bangkay ng puno ng saging. Hindi siya mapapansin ng mga tao. Ito ang dahilan kung bakit sa tinagal-tagal ng panahon ay gumagamit na ang mga punerarya ng maliliwanag na bombilyang pang-ilaw sa tabi ng kabaong. Takot lumapit ang aswang sa liwanag ng ilaw.
(Itutuloy)
- Latest