Kung may kapitbahay kang ‘Maritess’
• Sila ang mga babaing mahilig tumambay sa labas ng kanilang bahay para mag-abang ng mga kaganapan sa paligid. Sila ang team abangers. “Maritess” ang bagong binyag sa mga tsismosa.
• Sila ang mahilig mangutang pero balasubas. Kaya huwag magpautang
• May mga tsismosang kapag sinumbatan mo, sila pa ang may ganang mangulam o magpakulam sa iyo. Kaya huwag magkukuwento tungkol sa iyong kalusugan. Mangkukulam is everywhere. Kapag nainggit at nagalit ang mga ‘yan, ang tinatarget nila sa biktima ay ‘yung bahagi ng katawan na may sakit. Para kapag namatay ang kanilang biktima, iisipin kaagad ng kamag-anak ay sakit ang ikinamatay. Sounds crazy pero nangyayari ‘yan.
• Hangga’t maaari ay huwag makikipag-away sa mga tsismosa. Wala silang iniingatang dignidad kaya hindi natatakot na maeskandalo. Kung sobra na ang pagyurak sa iyong reputasyon, idemanda mo.
• Tip: unahan mong kumuha ng abogado sa Public Attorney’s Office (PAO). Kasi kapag naunahan mo, hindi na siya puwedeng kumuha ng abogado sa PAO. Mapipilitan siyang kumuha ng private Attorney na mahal ang bayad. Matatakot ang mga iyan. Kadalasan, ang mga tsismosa ay poor and jobless kaya walang pambayad sa abogado.
• Huwag malungkot kung halos lahat ng iyong mga kapitbahay ay tsismosa. Mauubos din ang mga ‘yan. ‘Yun nga lang hindi sabay-sabay. Una-una lang ang paglisan nila sa inyong lugar. May lumilipat ng ibang barangay… may lumilipat sa kabilang buhay.
“Tsismosas will question all the good things they hear about you but believe all the bad without a second thought.” – Unknown
- Latest