ANG survey ay ginawa ng Online Doctor kung saan ang respondents ay kinabibilangan ng 1,500 Americans at Europeans.
5. Natutulog nang hindi naghihilamos. Mas maraming lalaki ang umamin na tinatamad na sila, 58. 9 percent, samantalang sa mga babae ay 40.1 percent lang.
6. Umiihi habang nagsa-shower. Hindi na nag-aaksaya ng oras na gamitin ang toilet bowl para doon umihi. Mas maraming babae (93.6 percent) ang gumagawa nito kaysa lalaki (91.3). Ang advantage ng pag-ihi habang nagsa-shower, nakakatipid ng tubig dahil hindi kailangang mag-flush.
7. Nagtatanggal ng libag sa braso na parang nagtatanggal ng natuyong glue, gamit ang palad habang nakatunganga. Mas maraming babae, 96 percent ang gumagawa nito kaysa lalaki 93 percent.
8. Inaamoy ang kilikili. Mas maraming babae ang may ugaling amuyin ang kilikili, 96 percent kumpara sa 93.9 percent ng kalalakihan.
9. Kinakamot ang puwet. Kung hindi maabot, ito ay aabutin ng ballpen kaya ang ending ay butas na underwear. Mas ginagawa ito ng mga lalaki at hindi nang mga babae.
10. Tinitiris ang pimples. Mas maraming babae ang nagtitiris ng pimples, 93.6 percent kaysa mga lalaki na 91.3 percent lamang.