1. Nagiging dahilan ng pulikat ang paglangoy kaagad pagkatapos kumain. Ang totoo, ang pag-inom ng alak bago lumangoy ang nagbibigay ng malaking tsansa na pulikatin. Ang epekto ng paglangoy nang busog ay kinakapos sa paghinga.
2. Mas bibilis ang pagkulo ng tubig kung mayroon itong kahalong asin. Ang totoo, lalo lang tatagal ang pagkulo kung may asin ang tubig.
3. Nakakasakit ng ulo ang vetsin. Walang scientific proof or studies na makakapagpatunay na ang vetsin ay dahilan ng pagsakit ng ulo. Mga kuwento-kuwento lang o tinatawag na anecdotal evidence ang pinagbasehan na ang vetsin ay sanhi ng sakit ng ulo.
4. Hindi pinapawis ang mga aso. Ang totoo, pinapawis ang aso. Lumalabas ang pawis nito sa footpad.
5. Bumagsak sa Math si Einstein. Bumagsak siya sa entrance test ng isang eskuwelahan pero excellent pa rin ang kanyang kakayahan sa Math.
6. Lalong dumarami ang plema kung iinom ng gatas. Hindi totoo. Hindi kailangang iwasan ang pag-inom ng gatas kapag may sipon at ubo.
7. Kapag hinawakan ng isang tao ang “nestling” (baby birds) at pagkatapos ay ibabalik sa kanyang pugad, ito ay ire-reject ng kanyang ina dahil naamoy nito na hinawakan ito ng human hand. Hindi ito totoo dahil walang sense of smell ang ibon para ma-detect na hinawakan ang kanyang nestling ng tao.
8. Mansanas ang sinasabing “forbidden fruit” na ipinagbawal kina Eva at Adan. Hindi binanggit sa Bibliya na ito ay mansanas. Nagkaroon lang ng assumption na ito ay mansanas dahil iisa lang ang Latin word para sa apple and devil — ito ay malum.
(May kasunod)