PINALAGAN ng tatlong immigration officers sa Diosdado Macapagal International Airport ang kanilang among korap matapos silang magsumbong sa kanilang official sa BI central office sa mga katiwaliang ginagawa nito sa paliparan.
Ang problema nga lamang kung ang sinumbungang official ay ipinaabot kay BI Commissioner Jaime Morente? Take note, DOJ Secretary Menardo Guevarra, Your Honor!
Sabi nga, may mga Korean nationals na kaduda-duda ang pagkatao nang dumating sa DMIA pero ito anila ay pilit na pinatatakan sa kanila ang passports para makapasok sa Clark.
Ayon sa info, mula ulo hanggang talampakan ang murang inabot nila at tinakot pa ang mga ito na aalisin o hindi na bibigyan ng duty sa paliparan.
Gago talaga!
Ayon sa report, inalis na raw sa DMIA ang gagong opisyal na korap at ibinalik sa BI central office para magpahinga.
Ang ganitong kagagong opisyal ng BI ay dapat inaalis na sa tungkulin at kinakasuhan agad para hindi na ito gayahin pa ng kanyang mga kasamahan.
Malakas daw kasing maghatag sa opisyal niya ang kamoteng inirereklamo kaya hindi ito masaling sa DMIA? May ginagawa kaya rito si Maan Lapid, hepe ng DMIA-BI?
Si Lapid ay anak ni Sen. Lito Lapid at sinasabing may problema diumano sa Office of the Ombudsman? Paging DOJ Secretary Guevarra at OMB Chief Martirez, Your Honors!
Matagal ko nang tinitira ang nangyayaring korapsyon sa DMIA pero nagte-tengang kawali lamang ang mga opisyal ng Immigration kapag pinipitik ko ang isang alyas Three Kings na tagasalya ng OFWs going abroad at patong sa mga Koreanong kaduda-duda ang mga pagkatao o undiserable aliens.
Si Kamoteng Three Kings ay sa mamahaling hotel nakatira at ang mga kliyente nitong Koreano ang tagabayad para malayang makagalaw ang mga suking foreigners sa Clark et al.
Abangan.