^

Punto Mo

Mister sa India, nagrenta ng cobra para gamitin sa pagpatay sa kanyang asawa!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki sa India na nagngangalang Suraj ang napatunayang guilty sa pagpaslang sa kanyang asawa gamit ang nirentahang makamandag na cobra!

Noong Mayo 2020, namatay sa dalawang kagat ng cobra ang asawa ni Suraj na si Uthra habang natutulog sa kanilang bahay.

Noong una, inakalang aksidente lamang ito dahil normal na sa kanilang lugar sa Kollam District na may naliligaw na cobra sa mga tahanan doon.

Pero dahil sa pagpupumilit ng pamilya ni Uthra na isa itong foul play at hindi aksidente, inimbestigahan ito ng mga awtoridad at pagkalipas ng isang taon, napatunayan na premeditated murder ang pagkamatay ni Uthra.

Sa pamamagitan ng pag-iimbestiga ng mga digital forensics sa laptop at mga internet search ng suspect, nakita na matagal na itong naghahanap sa online ng taong magpaparenta sa kanya ng makamandag na cobra.

Nang matagpuan ng mga pulis ang snake handler na nagparenta ng cobra, umamin ito na tinuruan niya ang suspect kung paano ang tamang paghawak sa makamandag na ahas.

Sa tulong din ng herpetologists, forensic experts, forest officials at snake handlers, napatunayan na hindi natural o aksidente ang mga snake bite sa katawan ni Uthra at halatang may nang-pressure sa ahas na mangagat ito.

Ang natural na lapad ng kagat ng isang cobra ay 1.8 cm ngunit ang kagat sa katawan ng biktima ay 2.8 cm.

Ang lalong nagdiin sa suspect ay nang matuklasan na meron itong girlfriend at nagbabalak na silang magpakasal bago pa mamatay si Uthra.

Matapos mapatunayang guilty, nahatulan ng double life imprisonment at multa na 5 lakh rupees (katumbas ng P338,645) si Suraj.

COBRA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with