^

Punto Mo

Cancer meds donation

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

NAGSANIB-puwersa ang Laong Laan Masonic Lodge 185 sa pangunguna ni WB Ernie Ligon at Muntinlupa City Masonic Lodge 414 na pinangunahan ni VW Bro. Biyong Garing, para magbigay ng mga gamot sa mga pasyente ng Ospital ng Muntinlupa na may sakit na cancer.

Pinasasalamatan ng kapatiran si Eve Santiago, may Accord Healthcare sa mga donasyon sa cancer medicines.

Sabi nga, mabuhay kayong lahat!

• • • • • •

Price hike sa petrolyo

Masyadong abala ang administrasyon ni Boss Digong sa mga diumano’y plano na manatili sa kapangyarihan habang ang ika-7 magkasunod na pagtaas ng presyo ng gasolina ay sumisira sa madlang Pinoy, banat ni ACT Teachers Rep. France Castro.
Sabi nga, hinimok ni Castro, ang muling pagpapabago ng Petron at ang regulasyon ng industriya ng langis. 

“Mahigit P16 kada litro na ang itinaas ng diesel.  Napakalaking halaga para sa mga tsuper na ilang taon nang nakadapa dahil sa kawalan ng trabaho at ayuda sa panahon ng pandemya at para sa ordinaryong madlang Pinoy na sasalo ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin para sa kanilang pang-araw-araw,” birada ni Castro. 
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, para matulungan ang madlang Pinoy maaari nilang suspindehin ang pagpapatupad ng VAT at excise tax on fuel products.

Mayroong mga paraan at hakbang para tulungan ang mga naghihikahos na madlang Pinoy pero mukhang ayaw lamang solusyunan ng administrasyong Duterte ang problema ng mamamayan para sa paghiling na naghihirap na madlang people. 
Ang pagtaas ng presyo ng P1.30-P1.40/litro para sa gasoline; P1.40-P1.50/litro para sa diesel; P1.40-P1.50/litro para sa kerosene at pagtaas ng presyo ng P80 para sa 11 kg na tanke ng LPG ay hindi maluwag na pagbabago para sa ordinaryong Pinoy.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang rate ng inflation ay 4.8% hanggang Setyembre 2021, ayon sa Philippine Statistics Authority.

Ika nga, nababawasan ang halaga ng sahod ng ordinaryong manggagawa at nanganganib pa ang ilang mga benepisyo ng mga may regular na trabaho.

“Patunay lamang na dapat talagang ma-inationalize muli ang mga produktong petrolyo. Habang abala ang gobyerno sa eleksiyon, sinasamantala na ng mga mala­laking kumpanya ang walang tigil na taas na presyo sa kapinsalaan ng buhay at kabuhayan ng madlang Pinoy,” sabi ni Castro.

vuukle comment

CANCER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with