ISANG British teenager ang naging pinakabatang piloto na nakaikot sa mundo nang mag-isa sa edad na 18-taon at 150 araw!
Noong Mayo 29, 2021 sa isang paliparan sa Netherlands, sinimulan ni Travis Ludlow na mag-isang ikutin ang mundo gamit ang 2001 Cessna 172R plane.
Pagkatapos ng 44 araw, nakabalik siya sa Netherlands matapos mag-stopover sa Poland, Russia, U.S.A,, Canada, Greenland, Iceland, Britain, Ireland, Spain, Morocco, France at Belgium.
Noon pa sanang May 2020 sinimulan ni Ludlow ang kanyang Guinness World Record attempt ngunit na-potsponed dahil sa COVID-19 pandemic.
Sa stopover niya sa U.S.A. nakilala niya ang previous record holder si Mason Andrews na nakaikot sa mundo sa edad na 18-taon at 163 araw noong 2018.