^

Punto Mo

EDITORYAL - Bakuna sa mga bata

Pang-masa
EDITORYAL - Bakuna sa mga bata

IKINAKASA na ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagrerehistro ng mga bata para mabakunahan ang mga ito sa lalong madaling­ pa­nahon­. Sabi ni FDA director-general Eric Domingo, sisimulan na ng local government units (LGUs) ang pagrerehistro sa mga bata para nakahanda na ang mga ito sa sandaling magkaroon ng sapat na suplay ng bakuna. Iparehistro na umano ang mga batang edad 12 hanggang 17. Ayon kay Domingo, kapag nabakunahan ang mga bata, madadagdagan ng 12 hanggang 14 na milyon ang bilang ng mga nabakunahan sa bansa. Una nang nagrehistro ng mga bata ang Pateros at maging ang Makati City.

Maraming bata ang tinatamaan ng COVID at nasa ospital ngayon. Wala nang pinipili ang virus kaya nararapat lamang na mabakunahan na rin sila para may proteksiyon. Noong nakaraang buwan­, maraming bata ang na-admit sa Phi­lippine General Hospital (PGH) dahil sa COVID. Mayroon pang sanggol na nagpositibo sa virus.

Mas makabubuti kung uunahing bakunahan­ ang mga bata sa National Capital Region (NCR) sapagkat ito ang epicenter ng COVID. Patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID sa NCR. Noong Sabado, naitala ang 9,061 na kaso sa NCR. Sobrang­ mataas ito na nalampasan pa ang kaso noong naka­raang Abril na 6.063.

Ayon sa OCTA Research Group, posibleng umabot sa 30,000 ang arawang kaso ng COVID bago matapos ang Setyembre. Ang daily average ng kaso ay 20,000. Noong nakaraang Setyembre 6, pumalo sa mahigit 26,000 ang kaso. Pinakama­taas ito mula nang manalasa ang pandemya noong Marso 2020.

Paigtingin ang pagbabakuna, hindi lamang sa minor kundi sa lahat na. Sabi naman ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., may sapat nang suplay na bakuna at marami pang paparating. Itodo na ang pagbabakuna lalo sa Metro Manila para magkaroon ng proteksiyon ang mamamayan. Marami na ang gustong magpabakuna para maproteksiyunan ang sarili. Ayon sa report, nasa 53 percent na ang nagnanais mabakunahan. Hindi na sila nag-uurong-sulong sa pagpapabakuna. Napatunayan na ang mga bakunado ay hindi nagkakaroon nang malubhang COVID at hindi rin naoospital.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with