^

Punto Mo

EDITORYAL - Mga halimaw sa checkpoint

Pang-masa
EDITORYAL - Mga halimaw sa checkpoint

MARAMI nang naireport na pang-aabuso ng mga pulis at civilian volunteer habang nagpapatupad ng quarantine measures. Kabilang na rito ang mga nanghuhuli ng mga lumalabag sa curfew. Karaniwang nahuhuli ay mga kabataan at mas marami ang babae. Ang parusa kapag nahu-ling lumabag sa curfew ay community service. Pero bago isailalim sa community service kailangang ipaalam ito sa mga magulang ng nahuli o lumabag na menor-de-edad. Hindi agad-agad ay isasailalim sa kung anu-anong kaparusahan.

Ang nangyaring pangmomolestiya ng isang pulis at kasabwat na sibilyan sa isang menor-de-edad noong Agosto 27 sa Bgy. Batangas Dos, Mariveles, Bataan ay naghahatid ng takot. Sa halip na isai-lalim sa community service ang dalagita na nahuli sa paglabag sa curfew, dinala ito ng pulis at ng civilian marshal sa isang boarding house at saka halinhinang ginahasa.

Ayon sa dalagita, hinarang siya sa checkpoint ng pulis na si Patrolman Elmer Tuazon at civilian marshal na si Armando Dimaculangan. Hinuli siya ng dalawa at sinabihan umano ng mga ito na hindi siya authorized person outside residence (APOR). Kailangan daw ay sumailalim siya sa community service bilang penalty. Pero dinala siya ng dalawa sa Tuazon boarding house. Unang gumahasa sa kanya si Dimaculangan at pagkatapos ay ang pulis na si Tuazon. Nagsumbong ang dalagita sa kanyang mga kamag-anak at ipinaaresto sina Tuazon at Dimaculangan.

Noong Hunyo ng nakaraang taon, dalawang pulis ang inakusahang gumahasa at pumatay sa dalawang dalagita sa Ilocos Sur. Ang mga dalagita ay lumabag sa quarantine curfew. Ngayon lang taon na ito naaresto ang dalawang pulis na nakilalang sina Marawi Ubaldo Torda at Randy Vintero Ramos.

Ngayong pataas nang pataas ang kaso ng COVID na umaabot sa mahigit 20,000 bawat araw, posibleng maghigpit pa ang mga awtoridad. Maglalagay pa marahil ng mga checkpoint para masupil ang paggala ng mga tao sa alanganing oras. Sana naman, huwag mga halimaw ang ilagay sa checkpoint. Nakakatakot na ang mga nangyayari. Ang pagsubaybay ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar sa mga tauhang inilalagay sa checkpoint ay mahalaga.

vuukle comment

CHECKPOINT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with