Pambihirang identical triplets, ipinanganak sa New Jersey

NASA lahi na ng pamilya ni Gabriela Mosquera ang pagkakaroon ng mga kambal ngunit nagulat pa rin siya ng siya’y magluwal ng triplets na identical pa.

Ipinanganak sina Anastasia, Olivia, at Nadia noong nakaraang Hulyo 8 na may timbang na mahigit 5 pounds.

Hindi inaasahan ni Mosquera at ng kanyang asawa na magluluwal siya ng triplets.

Dahil napakapambihira, inalok ang mag-asawa ng ospital sa University of Pennsylvania in Philadelphia na doon na nila ipanganak ang triplets.

Namangha ang mga doktor sa identical triplets dahil napakapambihira ng mga ito. Tinatayang nasa 1 sa bawat 200 milyon na nanganganak ang tsansa ng pagkakaroon ng identical triplets.

Dahil nga pambihira, umaasa rin ang mga doktor na papayagan silang masubaybayan ang paglaki ng tatlo para sa ibayong pag-aaral pa ukol sa identical triplets.

 

Show comments