^

Punto Mo

EDITORYAL - Basura at baha

Pang-masa
EDITORYAL - Basura at baha

BASURA ang numero unong dahilan kaya may pagbaha sa Metro Manila. Inamin ito ng Metro Manila Development Authority (MMDA) kamakalawa. Dahil sa dami ng basura, nahihirapan ang pumping stations kaya bumabagal ang pagliit ng baha. Ayon sa MMDA may 66 na pumping stations sa Metro Manila at lahat naman daw ay operational.

Taun-taon sa ganitong panahon, karaniwang tanawin na ang pagbaha sa Metro Manila. Hindi na nabago ang senaryo na umaapaw ang mga ilog at estero at sa kalsada humahantong ang tubig-baha. Kapag umapaw ang mga kalsada, mga bahay na ang babahain. Papasukin na ang loob ng bahay at ang mga malapit sa ilog o sapa, pati ikalawang palapag ay inaabot na rin. Kaya maraming humahantong sa bubong ng kanilang mga bahay.

Gumastos ang pamahalaan ng bilyong piso para sa flood control program pero nabalewala rin ang mga ito sapagkat hindi kayang lulunin ang baha na may kasamang basura. Ang mga ginawang malalim na drainage ay hindi rin umubra sapagkat nababarahan din ng basura. Hindi lang pangkaraniwang basura ang nakabara kundi mga plastic na hindi nabubulok. Karaniwang plastic sando bags, sache ng shampoo, 3-in-1 coffee, cup ng instant noodles, plastic shopping bags at iba pa ang nakabara.

Maraming estero ang hindi na gumagalaw ang tubig dahil sa dami ng basura. Kadalasang ang mga informal settlers na nasa pampang ng estero ang nagtatapon ng mga basurang plastic. Naging maluwang na basurahan ang mga estero. Tapon lang sila nang tapon dito.

Sabi ng MMDA, dapat maghigpit sa mamamayan sa pagtatapon ng kanilang basura. Kailangan daw magkaroon ng disiplina ang lahat. Pero sa nang­yayari ngayon, ‘‘kamay na bakal’’ na ang nararapat ipatupad para matuto ang mamamayan. Maglabas ng ordinansa ang bawat barangay na nagbabawal sa pagtatapon ng basura kung saan-saan. Ang mga mahuhuli ay pagmultahin.

Panagutin ang barangay kapitan na hindi mai-patutupad ang kautusan. Sila ang nararapat ma-nguna sa wastong pagtatapon ng basura.

BAHA

BASURA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with