^

Punto Mo

Isyu sa face shield, itigil n’yo na!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

KAHIT sino puwedeng magbago ang isip. Kahit nakapagdesisyon na, puwede pa ring bawiin ang naunang desisyon lalo kung may nakikitang sapat na dahilan. 

Itong isyu ngayon ng face shield, maraming putok sa buhong maiingay na flip-flopping daw ang ating gobyerno.  

Kamakailan kasi, nagpahayag ang Palasyo na hindi na kinakailangan ng face shield.  Pero nitong Lunes, binawi ito ng Presidente at pinababalik ang paggamit ng face shield.

Ang dahilan: Ang kinakatakutang Delta variant at Delta plus. Nakababahala ito dahil mabilis ang transmissibility ng virus.

Ito ang idikdik n’yo sa kukote mga pulitikong dakdakero na sa halip na gumawa ng batas, sige ang ngakngak.

’Yan ang dahilan kung bakit binago ng Presidente ang nauna niyang ipinahayag sa media. Meron namang mga chuwari-wariwap na pulitiko na nagsasabing kaya raw ibinalik ang face shield ay dahil may kumikita raw dito. 

If I were you guys, shut the f*** up! Tigilan n’yo na ang pagpapakalat ng mga masturbated theory ninyo. 

Oo wala ngang polisyang inilabas hinggil sa face shield ang Centers for Disease Control and Prevention o ang World Health Organization (WHO) pero nasa polisiya ng ating bansa. Ang sabi ng WHO, added protection ang face shield laban sa COVID-19.

Lalo na sa Pilipinas, wala pa ngang 5% ang nababakunahan. So in the meantime, kailangan ng doble-dobleng pag-iingat.

So shut up muna kayong may mga diarrhea ang bibig at ‘wag kayong maging dagdag-kalituhan sa publiko.

 

FACE SHIELD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with