WALANG duda, sang-ayon ako sa sinabi ng Gabriela party-list hinggil sa pagsuspende ng Grab sa kanilang mga riders dahil sa paggamit ng salitang “biot” sa sikat na grupong BTS.
Mga tanong, krimen ba ang pagtawag ng “biot” sa tao? Nasa pamantayan ba ng kompanya na ang pagbanggit ng nasabing katawagan ay may katumbas na kaparusahan?
Nag-over react nga naman ang pamunuan ng Grab sa pagtanggal ng kabuhayan ng kanilang mga rider, kahit ilang araw pa ‘yan.
Gaya ng sinasabi ng Gabriela, manong tulungan ng kompanya ang kanilang mga tauhan na magkaroon ng kaalaman sa sexual orientation and expression. Kaya handa raw ang Gabriela na magbigay ng libreng orientation sa mga Grab riders sa mga ganitong klaseng isyu.
Tama! Napakaganda’t napakagaling ng suhestiyon n’yo Gabriela, makakatulong sa mga manggagawang katulad ng riders.
Subalit ako’y may napansin, bakit tuwing sikat, maingay at pinagkakaguluhan ang isang kaso o isyu ay nangunguna kayo? Bakit noong mga panahong ang BITAG ang lumalapit sa inyong grupo para ilapit ang mga kaso ng pang-aabuso sa mga kababaihan at kabataan, hirap n’yong lapitan?
O eto hamon ko sa inyo, bakit hindi n’yo tulungan ang pamilya ng nagbigting female radio anchor sa Isabela dahil sa matinding pagpapahiya at panduduro ng mayor ng Benito Soliven, Isabela at tirador niyang diyarista na si Jun Bergonia?
Handa ang pamilya ng biktimang magsampa ng kaso laban sa mga nabanggit.
Maghihintay ang BITAG sa sagot ng Gabriela.