^

Punto Mo

Bureau of Customs, inutil vs droga!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

BUMABA na ang kumakalat na shabu sa kalye dahil sa doble kayod ang law enforcement agencies ng bansa na puksain ito at sa katunayan, marami nang high value target ang napaslang at bilyones na halaga ng droga ang nakumpiska. Binigyang kredito ni Philippine National Police chief Gen. Guillermo Eleazar ang walang humpay na kampanya ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagbaba ng bentahan ng shabu sa kalye.

“Kabi-kabila ang mga nasasabat ng PDEA at PDEG na malakihang bulto ng shabu. Baka kaya rin na nasabi nilang talamak pa rin ang shabu ay dahil sa mga successful operations na ito ng PDEA at PDEG,” ani Eleazar na pinabulaanan ang report ng United Nations Office on Drugs and Crime (UNDOC) na nagsasabing nanatili ang shabu na pangunahing problema ng anti-illegal drugs unit sa Pinas.

“Patuloy ang pinaigting na kampanya natin laban sa iligal na droga at makikita iyan sa mga high value targets o HVTs na arestado ng ating mga police anti-illegal drug units pati na sa dami ng shabu na ating narerekober sa ating mga operasyon,” dagdag pa ni Eleazar. Mismooooo!

Ginawang halimbawa ni Eleazar ang accomplishment ng mga tauhan ni PDEG director Brig. Gen. Remus Medina sa Cebu noong Hunyo 10 kung saan tatlong HVT ang nalagas sa isang encounter at 10 kilo ng shabu na nagkakahalagang P68 milyon ang nakumpiska. 

Sinabi ni Medina na nagkaroon muna ng drug sting kung saan bumili sila ng dalawang kilo ng shabu sa mga suspects kapalit ang P2.8 “boodle” money. Subalit matapos ang transaction, humarurot patakas ang silver Toyota Vios ng mga suspect nang mamatyagan nilang mga pulis ang kanilang ka-deal. Nagkaroon ng habulan at na-intercept ng mga operatiba ng Highway Patrol Group ang mga suspect sa Brgy. TapTap, Cebu City dahil walang plaka ang sasakyan nila.

Imbes na sumuko, pinaputukan ng mga suspects ang humaharang na HPG team pati na ang humahabol sa kanila na mga pulis. Siyempre, gumanti ng putok ang kapulisan at todas kaagad si alyas Levon at dalawa pang kasama. Hak hak hak! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Nakuha pa sa loob ng kotse ang walong kilong shabu, isang travelling bag, isang long firearm, dalawang short firearms, at ang “boodle” money. Ang mga nakumpiskang shabu ay nakabalot sa supot na may Chinese characters, na ang ibig kayang sabihin ay galing ito sa abroad?

E halos lahat ng narekober na shabu sa nagdaang mga malakihang operation ng PDEA at PDEG ay may Chinese characters kaya malaki ang posibilidad na dumaan ito sa mga pier o pantalan na ang nagbabantay ay ang Bureau of Customs, di ba mga kosa? Araguuyyyyy! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Kung sabagay, sinabi naman ng UNDOC na ang bumabahang shabu sa bansa ay mula sa mga karatig na estado ng Pinas. Ayon kay Eleazar, matagal na niyang inutusan ang lahat ng police units, lalo na ang Maritime Group, na paigtingin ang border security nito para mapigilan ang pagpasok ng droga sa bansa. Hindi lang shabu ang dapat habulin ng Maritime Group kundi pati ang high-grade cocaine na inihuhulog lang ng dayuhang barko sa ating karagatan, ani Eleazar. Abangan!

BUREAU OF CUSTOMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with