Water crisis, ‘di na mauulit sa pag-upo ni Razon sa Manila Water!

HINDI na mauulit ang water shortage noong 2019 matapos maupo ang industrialist na si Enrique Razon bilang Presidente at Chief Executive Officer (CEO) ng Manila Water Company Inc. noong Hunyo 3.

Sinabi ni Metropolitan Manila Waterworks and Sewerage System Chairman at acting Administrator Reynaldo Velasco na nasa timing ng pag-upo ni Razon sa Manila Water matapos magkaroon ng panibagong concession agreement ang gobyerno at ang East Zone Concessionaire.

“With the new concession agreement signed, we look forward to working more closely with Manila Water to better serve the people. It is a very timely appointment,” ani Velasco na pinuri ang paghirang kay Razon sa Manila Water. Hindi naman sinisi ni Velasco ang Manila Water sa 2019 water shortage dahil, aniya, hindi nila mag-isang responsibilidad ito. Katunayan, ipinakita ng water crisis na kailangan ng kabuuang pagkilos ng mga stakeholders para mapigilan ang krisis na ito. Mismooooo!

Si Razon ay na-appoint din bilang Chairman of the Board ng Manila Water, at ang tinitiyak ng mga kosa ko na magiging maganda ang relasyon nito sa MWSS tungo sa magandang daloy ng tubig sa gripo ng mga suki nila sa 23 cities at municipalities sa East Zone.

Pinasalamatan din ni Velasco ang magkapatid na Fernando at Jaime Augusto Zobel de Ayala, at Jose Rene Gregory Almendras nang lisanin nila ang mga katungkulan nila sa Manila Water para mapayapang makapasok at mamuno ang tropa ni Razon.

“I am grateful for the opportunity of working with the Ayalas and Mr. Almendras. For 24 years, the Ayalas did a great job in ensuring the availability of water in every faucet in their concession area bringing to 98 percent water coverage in the East Zone,” ani Velasco. 

Matatandaan na ang Prime Metroline Holdings Inc., na pinangungunahan ni Razon, at ang Manila Water ay pumirma noong nakaraang taon ng subscription agreement para makakuha ang una ng shares ng huli. Sa ilalim ng kasunduan, dinala ni Razon ang halos P10.7 bilyon na investment sa Manila Water.

Noong nakaraang Pebrero, ang isang kompanya pa ni Razon na Trident Water Co., ay bumili rin ng P4.8 bilyon na shares ng Manila Water. At nitong Marso, ni-represent ni Velasco ang gobyerno sa pagpirma ng revised concession agreement ng Manila Water, matapos itong ma-review ng Department of Justice. Sinabi ni Velasco na ang bagong agreement ay win-win solution sa magkabilang panig. Mismoooooo! Hak hak hak!

Dahil sa idinagdag na kapital sa Manila Water, maari na itong magsagawa ng mga proyekto para pagandahin pa ang daloy ng tubig sa gripo ng gma suki nila at mag-expand ng kanilang operation.

Ang Manila Water ay nagseserbisyo sa 1,400-square kilometers area na kinabibilangan ng Makati, Mandaluyong, Pasig, Pateros, San Juan, Taguig, Marikina, most parts of Quezon City, portions of Manila, as well as the following towns of Rizal: Angono, Antipolo, Baras, Binangonan, Cainta, Cardona, Jala-Jala, Morong, Pililia, Rodriguez, San Mateo,Tanay, Taytay, at Teresa. 

Sa pamamagitan ng Manila Water Philippine Ventures, sila rin ang nasa likod ng Boracay Water, Clark Water, Laguna Water, Estate Water, Bulacan Water, Obando Water, Calasiao Water, Cebu Water, Tagum Water, at Zamboanga Water.

Abangan!

Show comments