^

Punto Mo

EDITORYAL - Maraming walang disiplina sa pagtatapon ng basura

Pang-masa
EDITORYAL - Maraming walang disiplina sa pagtatapon ng basura

BASURA ang isa sa mga pangunahing dahilan kaya hindi matapus-tapos ang problemang baha sa Metro Manila. Taun-taon, laging problema ang baha. Lagi namang nagsasagawa ng paglilinis sa drainages at mga estero ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metro Manila Development Authority (MMDA) pero lagi pa ring may baha at lalo pang lumalala. Kahit pa nagkaroon ng flood control program na ginastusan nang malaki noong 2010, nananatiling problema ang baha sa Metro Manila. Sa Maynila, hindi na nawala ang baha sa España Blvd, ganundin sa kahabaan ng Taft Avenue at Rizal Avenue.

Idineklara noong Biyernes ng Philippine Atmospheric, Geopysical and Astronomical Services Admi­nistration (PAGASA) na simula na ng tag-ulan. Kaya inaasahan na hindi lamang ulan ang problema kundi pati na ang baha. Magkakambal na problema na daranasin ng mamamayang nakikipaglaban sa COVID-19. Ang masakit, hindi lamang COVID ang kalaban ngayon kundi pati na rin ang iba pang sakit ngayon tag-ulan gaya ng dengue at leptospirosis.

Dahil basura ang numero unong dahilan ng pagbaha, nagpaalala ang MMDA sa mamamayan na maging responsible sa pagtatapon ng basura. Magkaroon ng disiplina. Ilagay sa tamang lugar at oras ang basura kung saan hahakutin ito ng mga garbage truck. Kapag hindi naging maayos sa pagtatapon ng basura, babara ang mga ito sa daanan ng tubig na magiging dahilan ng pagbaha.

Karaniwang supot na plastic, grocery bags, sachet ng 3-in-1 coffee, catsup, shampoo, toothpaste, at iba pang basura na hindi nabubulok ang itinatapon sa kung saan-saan. Sa kasalukuyan, pati na rin face masks ay kabilang na rin sa mga basurang lulutang-lutang sa estero na nagiging dahilan na rin ng baha. Lahat nang basurang itinapon sa mga estero ay tatangayin naman sa Manila Bay.

Isa sa mga paraan para mabawasan ang mga basura sa Metro Manila at maiwasan ang pagbaha ay ang pagbabawal sa single-used plastic. Tanging ang Quezon City pa lamang ang nagpapatupad nito. Noong nakaraang linggo, hinikayat ni QC Mayor Joy Belmonte ang mga residente na mag-recycle ng basura. Papalitan ng pagkain at cash ang mga basura. Mabisa itong paraan para mabawasan ang plastic pollution na nagdudulot ng pagbaha.

Malubha ang problema sa basura dahil marami pa rin ang walang disiplina. Kailangang matuto na ang mamamayan sa pagkakataong ito.

vuukle comment

DPWH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with