^

Punto Mo

Mga Pinoy, natuwa sa sobrang sipag ni Eleazar!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

SOBRANG sipag talaga ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar at kahit munting kaso lang na kinasangkutan ng tiwaling pulis ay palaging nandun s’ya para pangasiwaan ang imbestigasyon. Kaya’t nakakatuwa na marami sa mga Pinoy ang pumupuri sa mga aksiyon n’ya, lalo na sa pagkastigo sa mga pulis na naligaw ng landas.

Dun sa ambush sa Mindoro kung saan may namatay na dalawang pulis at marami pa ang nasugatan, nandun si Eleazar para kalingain ang mga pamilya ng mga biktima at bigyan sila ng nararapat na suporta. Nang may nabaril na bata sa Valenzuela City, nandun si Eleazar kung saan ipinangako n’ya ang coo-peration ng PNP sa mga ahente ng National Bureau of Investigation na mag-imbestiga ng kaso.

Matapos mapatay ng isang pulis ang kanyang kapitbahay sa Quezon City, nandun din si Eleazar para kasuhan ang suspect ng murder at iba pa. Dinalaw din ni Eleazar ang burol ng biktima habang sinisiguro sa pamilya na magkaroon ng hustisya ang pagkamatay niya. Mismooooo! Sayang at anim na buwan lang si Eleazar sa trono ng PNP at hindi masilayan pa ng mga Pinoy ang tinatawag na public service n’ya.

Hindi lang naman mga kaso na kinasasangkutan ng mga pulis ang pinapansin ni Eleazar kundi maging ang droga na No. 1 sa listahan ni President Digong. Halimbawa lang, naaresto ng mga pulis sina Vencent Mayol Suplac at Giovanni Ambray sa isang drug sting sa Cebu City noong May 28 kung saan nakumpiska ang dalawang kilo ng shabu na nagkakahalagang P6.9 milyon.

Ang masama n’yan, sa imbestigasyon ng mga tauhan ni Central Visayas police director Brig. Gen. Ronnie Montejo ang shabu na binebenta nina Suplac at Ambray ay galing sa isang detainee sa Cebu City Jail. Ani Eleazar, d’yan mo makikita na «deep-rooted» na ang problema ng droga sa bansa. Mismoooooo!

Kaya’t nakipag-ccoordinate kaagad si Eleazar kay Gen. Gerald Bantag, ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) para wakasan agad itong raket ng Cebu detainee. “Hindi nauubusan ng paraan ang mga sindikato sa pagbebenta ng ilegal droga kaya hindi rin po tayo nauubusan ng diskarte para hulihin sila. Meron na tayong existing partnership with the BJMP and the BuCor at lalo natin itong palalakasin para hindi na mabigyan ng oportunidad ang mga nahuli nating drug trafficker na patuloy na magbenta ng droga,” ani Eleazar.

“Naumpisahan na natin ito sa Bilibid noon, lalo nating pai-igtingin ngayon kasama ang BJMP,” ang dagdag pa ni Eleazar. Noong hepe pa ng NCRPO itong si Eleazar, nagsagawa ito ng Operation Greyhound, kasama si Bantag, para targetin ang mga bigtime drug dealers na patuloy na lumilinya sa droga kahit nakakulong. Mismoooooo! Nangako si Eleazar na hindi n’ya hahayaan na paglaruan lang ng mga drug detainees ang batas kaya’t dapat may masampolan sa kanila.

Kung sabagay, maging si Brig. Gen. Remus Medina, ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) ay nakipag-alyansa na kay Bantag para maligwak na ang problema ng droga sa bansa. Kaya’t nasa tamang landas lang itong sina Eleazar at Medina sa laban kontra droga. Sana ganito din kasipag ang papalit kay Eleazar sa Nobyembre para maibalik na ang tiwala ng publiko sa PNP. Mismooooo. Abangan!

GUILLERMO ELEAZAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with