‘Ungas’ na pulis, tigbak sa entrapment!

MASARAP talagang kumita ng pera na ‘di mo pinaghirapan. Kaya nasabi ko ito mga kosa ay dahil sa pagkaarestong muli kay SSgt. Joel Bunagan, 37, na humingi ng P100,000 para wala nang sagabal sa papeles ng isang police applicant. Kaya nagngingitngit sa galit si Philippine National Police chief Gen. Guillermo Eleazar kay Bunagan kasi kung kailan pilit niyang nililinis ang korapsiyon sa PNP recruitment, heto’t gusto pa niyang sumingit.

“Inaalam natin kung paano nanatili pa sa serbisyo ang ungas na pulis na ito. Tutukuyin natin kung sino ang mga kasabwat ng Bunagan na iyan at kanyang mga nilapitan para ‘di masibak sa puwesto. Dapat magsama-sama sila sa kulungan,” ani Eleazar. “Sobrang tapang din ng hiya nito na nahuli na dati at nabuko, nakasuhan pa. Pero hindi pa rin tumigil sa kabulastugan,” ang dagdag pa ni Eleazar.

Ang pagkaaresto kay Bunagan ay mga ilang araw lang matapos masakote si Evelyn Aleman, sa isang P50,000 entrapment din sa isang police applicant. Mismooooo! Kaya sa mga nagdududa pa na joke lang itong pangako ni Eleazar na linisin ang PNP recruitment system, aba sina Bunagan at Aleman na ang sampol n’yo.

Ayon kay PNP spokesman Brig. Gen. Ronnie Olay si Bunagan, na ambulance driver ng PNP Health Service, ay unang inaresto noong Abril 8, 2020 sa kasong pag-extort mula P100,000 hanggang P150,000 sa PNP applicants na may health issues. Sinabi ni Olay na pinangakuan ni Bunagan ang police applicant na makakapasa sa medical examinations na walang hassle basta maghatag lang ng P100,000.

Nalambat si Bunagan ng IMEG operatives sa Bgy. Kaligayahan, Novaliches, Quezon City. Ang problema, nakalaya si Bunagan matapos makapag-bail at balik sa dating gawi si loko at minalas namang muli. Mismooooo! Hehehe! May katapusan talaga ang lahat ng kasamaan, di ba mga kosa?

Mabilis talagang kumita sa raket niya kaya’t nakipagkita kaagad si Bunagan sa police applicant na nabola niya sa Waling-Waling St., Sampaguita Subd., Bgy. 175, Camarin, Caloocan City. Swak kaagad siya matapos tanggapin ang P1,000 boodle money. Nakumpiska rin sa kanya ang isang l-Phone at kulay itim at asul na Keeway 125 motorcycle.

Nagbanta si Eleazar na hindi n’ya hahayaang makalusot pa si Bunagan sa kasong kanyang kakaharapin. Kailangan panagutan niya ang kasong ginawa para hindi na siya pamarisan pa, aniya. Mismooooo! Weder-weder lang talaga.

“Bunagan and his kind are the reason why we started reforms in our recruitment system, making it nameless and faceless with the use of QR codes for the entire process of the PNP application. We will no longer allow the shenanigans of the few rotten eggs in the ranks get in the way of the PNP recruiting only the best and most qualified in the service,” ani Eleazar.

Ipinangako ni PNP chief na walang ibang patutunguhan itong si Bunagan kundi ang ma-dismiss sa serbisyo bunga ng haharap ito ng patung-patong na kaso. Sa iba pang tiwaling pulis naman na nanatili pa sa serbisyo, aba magbago na kayo dahil may 17,000 na police recruit na papalitan kayo. Mismoooo! Abangan!

Show comments