^

Punto Mo

Good deeds ng kapulisan, ikinatuwa ni Eleazar!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

KAHIT maliit na bagay lang, ikinatuwa ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar ang mga good deeds na ginagawa ng kapulisan sa panahon ng pandemya. Iginiit ni Eleazar na ang kapulisan ay hindi lamang nagpapatupad ng batas at nagpapanatili ng kapayapaan sa komunidad dahil handa rin silang tumulong sa mga Pinoy na nangangailangan kahit sa anong paraan na abot sa kanilang makakaya.

Itong good deeds ng mga pulis ay nangangahulugan lang ng kanilang genuine public service sa publiko, ang giit pa ni Eleazar. “Magbayanihan po tayo ngayong pandemya. Kahit labas sa ating mandato, tumulong po tayo kahit sa maliit na paraan lamang,” ani Eleazar. “Minsan iyong maliit na tulong na ibinigay natin ay malaking bagay para sa taong ating natutulungan,” ang dagdag pa n’ya.

Kung sabagay, itong mga maliliit na tulong ng ating mga pulis sa sambayanan ay malaki ang magiging papel para manumbalik ang tiwala ng mga Pinoy sa ating kapulisan, ‘di ba mga kosa? Mismooooo! Kaya’t tama lang na papurihan ni Eleazar itong mga simpleng good deeds ng ating kapulisan para pamarisan sila ng kapwa nila.

Sa totoo lang, marami namang accomplishments si Eleazar mula maupo siyang hepe ng PNP noong May 7. Kaya lang ang nakarehistro sa kanyang isipan ay ang ginawa ni Lt. Jean Aguada, of Station Community Affairs Development Section (SCADS) ng Anonas police sa Quezon City kung saan boluntaryong niyang na breastfeed ang isang 5-buwan na sanggol na babae. Ang bata ay naiwan ng kanyag magulang sa Bgy. Old Capital Site sa Quezon City para magtrabaho at nakalimutan itong iwanan ng gatas o anumang pagkain. Hehehe! Hindi nagdalawang isip si Lt. Aguada at pinunan ang pagkukulang ng magulang ng bata.

Hindi lang ‘yan! Ang kasamahan naman ni Lt. Aguada na sina Cpl’s. Abigail Alon, Mary Florence Flores at Diana Pearl Taytay ay nagtulung-tulong para paliguan ang bata at bigyan ng maayos na damit. Nakakataba ng puso itong ginawa ng tropa ni Lt. Aguada, di ba Gen. Eleazar Sir? Kailan ang awarding?

Sa Ormoc City naman, inaresto ni Pat. Robin Ricarte ang isang nagmomotor na walang suot na face mask. Imbes na kasuhan ang violator, ang ginawa ni Ricarte ay binigyan ito ng facemask at pinatuloy ito sa kanyang destinasyon. Walang nangyaring bangayan na kadalasan ay nangyayari sa kalsada at minsan ay nauwi pa sa sakitan. Mismooooo!

Kung sabagay, ang ginawa ni Ricarte ay alinsunod sa kautusan ni Eleazar na magbigay ng face mask sa mga hindi nagsusuot nito sa kalsada para maiwasang kumalat ang COVID. Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

“Ito naman iyong ibinilin na natin noon pa. Dapat bigyan ng face masks ‘yung mga taong walang face masks o face shields habang nasa labas ng kanilang tahanan. Pagpapakita rin po ito ng maximum tolerance at malawak na pang-unawa sa parte ng ating kapulisan,” ang paliwanag ni Eleazar. 

Dahil sa magandang halimbawa na ipinakita ng tropa ni Lt. Aguada at Pat. Ricarte, aba hinikayat ni Eleazar ang kapulisan na tumulong sa kapwa Pinoy sa abot ng makakaya nila nang sa gayon ay bumalik ang tiwala nila sa PNP. Mismooooo! Abangan!

GUILLERMO ELEAZAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with