PDP-Laban Bulacan chapter, suportado si Pacquiao!
MARAMING supporters si Sen. Manny Pacquiao ang patuloy na naniniwala sa kanyang kakayahan bilang presidente ng PDP-Laban at hinimok siya ng mga ito na ‘wag pansinin ang mga patutsada ng ayaw sa kanya at kung maari ituloy ang balakin n’ya sa 2022 elections. Naglabas kasi ng manifesto ang PDP-Laban Bulacan chapter kung saan tinuligsa nila ang tinaguriang “ten-man wrecking crew” na ang kinikilos ay para pahinain ang liderato ng political party nila.
Ayon sa daan-daang long time at card bearing PDP-Laban Bulacan members, hindi sila kinunsulta ng “ten-man wrecking crew” sa mga patutsada nila laban kay Pacquiao kaya’t walang saysay ito. “We were not invited to any such meeting and no quorum was met for them to allude that the whole chapter is behind their statement. The said meeting was composed mostly of relatively new members who are either politically appointed officials or politicians, not the grassroots members that compose majority of our beloved party,” anang manifesto. Araguuyyyy! Hak hak hak! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
Sinabi ng manifesto ng Bulacan chapter na hindi sila inimbita sa pulong kung saan ang “ten-man wrecking crew” ay bumuo ng sarili nilang manifesto na nagpahayag ng pagtutol sa critical stance ni Pacquiao laban sa posisyon ni President Digong sa isyu ng West Philippine Sea.
Ayon sa Bulacan chapter, hindi binasa ng buo ng mga kalaban ni Pacquiao ang kanyang interbyu kung saan lumalabas na dinidepensa pa nito ang posisyon ni President Digong. Anila, hindi kokontrahin ni Pacquiao si President Digong sa mga isyu lalo na’t binanggit ng huli na isa siya sa mga napipisil na iendorso sa darating na May elections. Araguuyyyy! Hehehe! Masalimuot talaga ang pulitika sa bansa no kosang Jojo!
Sinabi ng malaking bilang na mga card-bearing at grassroot members ng PDP-Laban Bulacan chapter na patuloy nilang susuportahan si Pacquiao bilang party president. All out support kami kay Sen. Pacquiao kung anuman ang balakin n’ya sa 2022 elections, anila. Hindi pa pormal na nagdeklara si Pacquiao kung tatakbo s’ya sa pagka-presidente sa May elections subalit ilang beses siyang tumuran na ang pagiging presidente ng Pinas ay blessings ng Itaas. Araguuyyyy! hehehe Guhit ng palad ‘yan di ba mga kosa? Mismooooo!
Nanawagan naman si Ron Munsayac, ang PDP-Laban executive director na magsagawa ang partido ng internal investigation laban sa «ten-man wrecking crew» dahil ang mga tinuran nila ay seryosong paglabag sa mga umiiral na party protocols at taliwas ito sa interes ng partido.
Hinikayat din nila si Sen. Pacquiao na ‘wag na intindihin ang mga patutsada laban sa kanya ng ilang miembro at ipagpatuloy lang ang «good stewardship» ng PDP-Laban. Ang hiling din nila sa mga detractors ay makipagtulungan at magbigay ng mungkahi para sa lalong ikahusay pa ng partido at makatulong sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa, lalo na sa panahon ng pandemya. Hehehe! Weder-weder lang talaga! Mismoooo! Sana matapos na itong bangayan sa PDP-Laban. Abangan!
- Latest