27. Huwag itabi sa higaan ang iyong pet.
28. Magsuot ng maginhawang pantulog.
29. Hindi lang higaan ang palitan, lumang unan din.
30. Isang unan lang ang kailangan. Ang pagsasapin-sapin ng unan ay nagdudulot ng sakit sa leeg at balikat.
31. Gamitin lang ang kama sa pagtulog upang mapalakas mo ang pag-uugnay ng kama sa pagpapahinga at pagtulog. Huwag dalhin ang trabaho sa iyong bedroom, kaya ilabas sa kuwarto ang computer, TV at iba pang devices na ginagamit sa pagtatrabaho.
32. Magbasa ng libro. Kapag nakadama ng antok, itigil kaagad ang pagbabasa. Minsan, sa sobrang suspense ng binabasa, hindi kaagad itinigil ang pagbabasa at ipinagpapatuloy pa ito hanggang sa matanggal na ang antok.
33. Gumamit ng makapal na kurtina upang huwag makalusot ang liwanag mula sa labas. Halimbawa, ilaw galing sa poste. Ang mga paniki ay nahihimbing sa pagtulog kahit araw dahil ang kuwebang kinaroroonan nila ay sobrang madilim.
34. Kapag tag-lamig, mas mabilis makatulog kung magsusuot ng medyas. Nakakatulong sa mabilis na pagtulog kung mababawasan ang nadadamang ginaw.
35. Mag-exercise sa umaga huwag sa gabi, malapit sa oras ng pagtulog.
36. Gumamit ng pinturang warm yellow sa wall ng bedroom. Nagpapakalma ito ng nerves. Ang warm yellow ay may undertone na green or orange.
37. Kung malikot ang inyong asawa sa pagtulog, mainam na magkaroon kayo ng tig-isang kumot. Nakakagising din ang partner na malikot at mahilig manghila ng kumot. Kaya pala nangangatal ka na sa ginaw ay nakapulupot dito ang buong kumot.
38. Mag-yoga or mag-meditation bago matulog.
39. Subukan ang aromatherapy. Ang scent ng lavender ang mainam magpahimbing.
40. Gumamit nang tamang kapal at lambot ng unan. Manipis lang kung ugali mong dumapa sa pagtulog. Kung nakatagilid ka sa pagtulog, mainam ang unan na firm. Malambot ngunit hindi bumabaon ang iyong ulo para hindi gaanong maipit ang tenga habang nakatagilid. (Itutuloy)