^

Punto Mo

Nasa likod ng vaccine slots for sale, may lugar sa impiyerno! – Eleazar

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

MAY espesyal na lugar sa impiyerno ang mga taong nasa likod ng pagbebenta ng slots ng COVID 19 vaccines, ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar. Iginiit ni Eleazar na ang mga vaccines na dumating sa bansa ay donasyon ng grupo sa abroad o binili ng gobyerno ni Pesident Digong kaya’t libre itong ibibigay sa ating kababayan.

“Ibayong hirap ang pinagdaanan natin para makakuha tayo ng bakuna laban sa COVID kaya hindi katanggap-tanggap na pagkakitaan pa ito,” ani Eleazar, na nagbanta na mananagot ang nasa likod ng kalokohang ito. Inutusan ni Eleazar si Maj. Gen. Albert Ignatius Ferro, director ng CIDG na alamin kung sinu-sino ang nasa likod na pagbebenta ng “under the table” na bakuna na binili ng gobyerno at dapat lasapin nito ang pinakamalupit na kaparusahan.

Ayon kay PNP chief, ilegal ang pagbebenta ng COVID vaccine na nagawaran lamang ng Emergency Use Authorization (EUA) ng Food and Drugs Administration. Hindi lang ang FDA, kundi maging ang DILG, DOH at National Task Force against COVID 19 ang nagulantang sa balita na ito kaya’t nagkanya-kanya rin silang nagsagawa ng sarili nilang imbestigasyon sa isyu. Araguuuyyyy! Hak hak hak! SWAK sa kulungan itong mga talipandas na mga Pinoy, di ba mga kosa? Hehehe! Weder-weder lang ‘yan!

Sa report na nakarating kay Eleazar, may ilang tiwaling opisyales ng LGUs sa Metro Manila na nagbebenta ng vaccination slots sa halagang P10,000 hanggang P15,000 depende sa uri ng bakuna. Inabisuhan ni Eleazar ang publiko na wala silang dapat bayaran sa bakuna at ang gagawin lang nila ay magparehistro at antayin ang takdang oras o skedyul nila dahil kailangang sundin ang inilaang priority list ng gobyerno ni President Digong.

Anang PNP chief wala pang inaprubahan ang FDA ng marketing o sale ng kahit anong COVID 19 vaccine kaya’t kung mayroon mang nagbebenta nito ay ilegal ito. Sinabi naman ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez na ang nakatoka na bakunahan sa sunod na buwan ay ‘yung essential workers o ang mga kapuspalad na mga Pinoy. He he he! Konting abang na lang mga kosa at darating na din ang takdang oras n’yong mabakunahan.

Hinikayat naman ni Eleazar ang publiko na i-report ang sinumang nagbebenta ng vaccination slots at maaring gamiting ang PNP E-Sumbong complaint monitoring and referral system para maitago ang kaniang pagkilanlan. Sa kanyang direktiba kay Ferro, sinabi ni Eleazar na dapat makipag-ugnayan ang CIDG sa mga LGUs para maiwasan ang di pagkaunawaan na magdudulot ng hindi magandang impresyon sa publiko. Araguuyyyy! Hehehe!

Kailangan pa bang i-memorize yan? Samantala, 84 porsiyento ng 220,000 kapulisan sa Pinas ay pabor na babakunahan sila. Sa ngayon, halos 13,000 pa lang sa PNP rank-and-file ang nabakunahan at nagpapasalamat si Eleazar kay President Digong sa plano nitong unahin ang PNP at AFP sa pagbakuna dahil binibilang din silang mga frontliners sa laban vs COVID. Ang PNP ang naatasang mag-escort ng mga vaccines at bantay o security sa mga vaccination sites. Hinikayat din ni Eleazar ang mga Pinoy na ‘wag na mamili ng vaccine at gamitin ang kung anong dumating na sa bansa. Abangan!

COVID-19 VACCINE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with