Eleazar, dismayado sa paboksing sa Tondo!

DISMAYADO si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar sa ginanap na paboksing sa fiesta ce-lebration sa Tondo noong Linggo. Sinabi ni Eleazar na nagkandarapa na ang gobyerno sa pakikiusap o paalala sa mga Pinoy na huwag magkumpul-kumpol para maiwasang tumaas ang bilang ng COVID-19 subalit wa epek pa ito. Maging ang mga barangay officials na dapat ay maging halimbawa ay naging pasimuno pa sa paboksing na hindi magdudulot ng maganda sa kampanya laban sa virus, ani Eleazar.

Iginiit pa ni Eleazar na ang paboksing ay super spreader ng virus dahil tiyak nagkumpul-kumpol ang mga miron para manood o tumaya dahil pustahan ang pa-boksing. “Kung hindi man tayo natatakot sa COVID-19, matakot tayo para sa ating mga pamilya. Hindi biro ang madapuan ng COVID. Marami sa ating frontliners, kabilang ang mga health workers at pulis, ang nahawaan na at namatay para lang makontrol ang pagkalat ng virus. Huwag natin balewalain ang kanilang sakripisyo. Huwag nating ipakipagsapalaran ang ating kalusugan at kaligtasan para lang sa panandaliang saya,” ang dagdag pa ni Eleazar.

Nangako si Eleazar na hindi niya palalampasin ang insidente at managot ang dapat managot para hindi na sila pamarisan pa. Araguuyyyy! Hak hak hak! Hindi na dapat pamarisan pa ang mga ganitong uri ng barangay officials na tinutulak sa kapahamakan ang mga Pinoy!

Kumilos naman kaagad si Brig. Gen. Leo Francisco, ang director ng Manila Police District (MPD) at sinampahan ng kasong non-wearing of facemask at paglabag ng ordinansiya ang 18 katao, kabilang na ang dalawang barangay chairmen dahil sa boundary nila nangyari ang pa-boksing.

Sinabi ni Francisco na nakilala nila ang isang kagawad, asawa ng barangay secretary at mga miron sa pamamagitan ng pag-enhance ng CCTV footage na nag-record ng boksing. Ang dalawang boksingero ay kinasuhan din, at dahil minor ang isa sa kanila, isinama ang magulang nito sa mga kinasuhan, ang pahayag pa ni Francisco.

Sa pananaliksik ni Francisco, lumalabas na ang bayad sa mananalo sa boksing ay P200 samantalang ang matatalo ay P150. Ang mga miron naman ay nagpustahan na parang sabong lang ang dating ng paboksing. Ano ba ‘yan? Hak hak hak! Kapiranggot lang ang premyo subalit kapag dinapuan ng virus eh milyones ang gastos. Mismoooooo!

Natuwa naman si Eleazar sa sobrang bilis ni Francisco na umaksiyon sa insidente at hinikayat niya ang ibang police commanders na ‘wag payagan ang mga super-spreader ng virus na mga events sa kani-kanilang lugar. “Sa tingin ko kung patuloy na ganito kabilis ang aksyon ng ating mga kapulisan ay makukumbinse din tumigil ang mga pasimuno ng paglabag sa pandemic guidelines at minimum public health safety protocols dahil alam na nilang sa kulungan lang ang bagsak nila,” ayon pa kay Eleazar.

Umapela si Eleazar sa mga Pinoy na sumunod sa simpleng minimum health protocols ng gobyerno ni President Digong para malagpasan na ang pandemya at hindi mangyayari itong kung hindi magtulungan ang lahat. Mismooooo! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan? Abangan

Show comments