^

Punto Mo

WeEvolve, magbibigay trabaho sa mga Pinoy!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

WALANG dahilan para magutom ang mga Pinoy sa panahon ng pandemya. Sinabi ni Dr. Alvin Sahagun, president ng WeEvolve Marketing Corp. na tamang pamamaraan lang ang kailangan para kumita ang mga Pinoy para suportahan ang pangangailangan ng kani-kanilang pamilya habang hindi pa nasawata ang COVID-19 sa bansa. Ang kailangan lang ay ang isang gadget at data para makapagsimula ng isang home-based online business at social enterpreneurship.

Ayon sa National Statistic Authority (NSA), umabot sa 2.4 milyong Pinoy ang nawalan ng trabaho noong Enero 2020 samantalang 4 milyon naman nitong nagdaang Enero. Sa report pa ng NSA na tumaas sa 8.7 percent nitong Enero ang joblessness mula 5.3 ng nakaraang taon.

Maliban sa trabaho, sinabi ni Sahagun na nakahanda ang WeEvolve para tulungan ang gobyerno ni President Digong na maayudahan ang mga Pinoy nitong panahon ng pandemya sa pamamagitan ng feeding programs at community pantries. Mismoooo! Hehehe! Maraming Pinoy na naapektuhan ng pandemya ang natulungan nitong WeEvolve, di ba mga kosa? Tumpak!

Sinabi ni Sahagun na ang WeEvolve ay isang direct selling company na rehistrado sa Philippine Security Exchange Commission (SEC). Sa kasalukuyan, ang kanilang kompanya ay sangkot sa pagbenta at pagpalaganap ng skin care, weight loss, healthcare, prebiotic at probiotic products na aprubado ng Food and Drugs Administration (FDA).

Sa konting panahon na naitayo nila ang kanilang kompanya, iginiit ni Sahagun na bumulusok ito paitaas at nag-expand kaagad ang kanilang operations sa Southeast Asia, Middle East, USA at Papua New Guinea. Wow! Bilang patunay na umaalagwa ang kanilang kompanya, inilahad ni Sahagun na balak nilang mag-expand na rin sa kanilang produktong ibinebenta tulad ng food products. Sa ngayon may 28,000 na sellers na ang WeEvolve at karamihan sa kanila ay mga tricycle at jeepney driver sa Cavite at mga lider ng iba’t ibang organisasyon.

Ang target ng kompanya sa taon na ito ay 100,000 sellers. Hak hak hak! Kaya’t dampot na ng mga gadgets n’yo mga kosa at sumali sa WeEvolve para maambunan din kayo ng grasya at makaiwas sa gutom sa panahon ng pandemya. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Sinabi ni Roy Cueto, chairman ng WeEvolve na di tulad ng ibang network marketing scheme na malaki ang kapital, dito sa kanilang kompanya ay may tinatawag na quick start scheme kung saan ang ilalabas lang na kapital ay P1,200. Itong kanilang negosyo ay product-driven at hindi membership platform, ani Cueto. Kapag nakabenta ang sellers, matik na makukubra nila ang kita nila sa loob ng tatlong araw, ang dagdag pa ni Cueto.

Kapag kumikita na ang seller, puwede na itong mag-roll sa P5,980 na kapital, sa P11,980 o sa P55,000. Kapag masipag ka palang pumindot ng gadget mo, aba magaan ang akyat ng pitsa, no mga kosa? At higit sa lahat, ani Cueto, ang kanilang sellers ay insured at maka-reimburse ng P10,000 kapag naaksidente. O laban pa ba kayo? Iginiit pa ni Cueto na legal ang lahat nilang transaction dahil may iniisyu silang resibo. Wala itong tinatawag na maintenance o quota. Mismoooooo! Abangan!

WORK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with