^

Punto Mo

Eleazar, mag-iiwan ng legacy sa PNP!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

Naiiba ang sistema ni Philippine National Police (PNP) Gen. Guillermo Eleazar para walisin ang mga scalawags sa hanay ng police organization. Anim na buwan lamang si Eleazar sa puwesto kaya ang primary goal niya ay ang mag-iwan ng legacy sa PNP para may kontribusyon naman siya sa pagbango ng imahe ng hanay nila.

Kung ang mga nauna sa kanya ang tinutukan ay ang “internal cleansing” kung saan libu-libong tiwaling pulis ang na-dismiss, si Eleazar naman ay tututok sa recruitment process. Naniniwala kasi si Eleazar na kahit sibakin mo pa ang lahat ng mga scalawag na pulis, aba hindi mahihinto ang problema kung sa recruitment ay may papasok ding hindi dumaan sa tamang proseso, lalo na kapag pumasok ang padrino system. Araguuyyyyy! Get’s n’yo mga kosa? Hak hak hak! May punto si Eleazar dito, ‘di ba mga kosa?

Kung sabagay, pinairal na ni Eleazar ang recruitment process noong hepe pa siya ng National Capital Region Police Office at mukhang epektibo ito. Tamang-tama lang ang pag-upo ni Eleazar dahil, ayon kay PNP spokesman Brig. Gen. Ronnie Olay, magre-recruit sa taon na ito ang PNP ng aabot sa 17,000 pulis. Open secret naman mga kosa na kaya mahihina ang produkto ng mga nakaraang recruitment dahil sa “padrino” system.

Sa sistema ng “padrino” system, ang mga retired na pulis o pulitiko ay maaring makiusap o ipilit ang mga “manok” nilang aplikante dahil mga supporters, kamag-anak o botante nila. Mayroon pa ngang nagbabayad para hugutin at ilagay sa itaas ng pila ang papeles nila, lalo na ‘yung hindi pumasa sa neuro-psychiatric tests. Mismooooo!

Kaya pag-graduate nila, itong mga bagong pasok na mga pulis ay madaling maengganyo na sumama sa mga “kotong,” extortion, kidnapping at kung anu-ano pang raket dahil hindi naman public service ang nasa isip nila kundi ang kumita para mabawi ang ginastos. Araguuuyyyy! Hak hak hak! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan, mga kosa?

“Naging kalakaran na kasi na kung papasok ka sa PNP, kailangan may kilala ka, otherwise baka mai-slash ka or hindi mapili. Sa recruitment pa lang, nagkakaroon na ng korapsyon,” ang giit ni Eleazar. Nanawagan si Eleazar sa mga aplikante na hindi na nila kailangan ng “padrino” at gumastos dahil kapag deserving at qualified tiyak pasok sila. Mismooooo!

Sa liderato ni Eleazar, ipaiiral sa recruitment process ang tinatawag na QR Code o Quick Response Code, kung saan walang pangalan dito o mukha kundi ang qualification lang ng aplikante ang gagawing basehan sa pag-evaluate sa kanila. Kaya ang magiging resulta nito, “the best and brightest” sa mga aplikante ang papasa o makapasok sa PNP, ani Olay. Siyempre, hindi naman nangangahulugan na ihihinto o isasantabi na ni Eleazar ang paghabol sa mga tiwaling pulis. Iginiit niya na hindi siya mangingiming sibakin sa tungkulin ang mga natitirang “hoodlum in uniforms” o “ninja cops.” Sinisiguro naman ni Eleazar na kahit anong higpit ng paiiralin nilang recruitment process, tiyak dudumugin sila ng aplikante dahil sa sobrang laki ng suweldo at benepisyo na ipinagkaloob sa kanila ni President Digong. Mismooooo! Abangan!

GUILLERMO ELEAZAR

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with