^

Punto Mo

Insidente sa Caloocan resort, ‘di na mauulit! – Eleazar

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

AYAW ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar na maulit itong walang habas na paglabag ng health protocol sa Gubat ng Ciudad resort sa Caloocan City kaya’t inutusan n’ya ang police commanders na maging mapang-usisa sa kanilang kapaligiran para di umakyat ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

“Ang mga pulis ang dapat naniniguro na nasusunod ang guidelines ng gobyerno ngayong may pandemya lalo na’t dito nakasalalay ang kaligtasan at kalusugan ng ating mga komunidad. Hindi tayo dapat magpabaya sa ating tungkulin,” ayon kay Eleazar. Siyempre, ang napagbuntungan ng sisi sa insidente ay si Major Harold Aaron Melgar, ang hepe ng PCP 9, na may sakop ng resort na kaagad nasibak sa puwesto.

Maging ang chairman ng BGY. 171, Bagumbong ay kakasuhan din. Mahigit 100 katao ang nag-swimming sa resort at hindi nasunod ang safety protocols ng gobyerno na maaring nagdulot ng pagtaas ng COVID sa Caloocan. Ang resort ay kaagad ipinasara ni Mayor Oscar Malapitan. Araguuyyyy!

“Daan-daan kayong nag-good time sa gitna ng pandemya sa isang lugar na under MECQ at isinama pa ang mga anak ninyo.  Kung hahayaan lang natin na sorry sorry lang ito, it will send a wrong message na mag-violate na lang tayo nang mag-violate dahil anyway patatawarin din naman tayo at walang pananagutan sa ginawa ninyo,” ani Eleazar. Hak hak hak! Kumita nga ng konti ang resort sa panandaliang pagbukas eh mukhang mahihirapan na itong mapabuksang muli.

Nanawagan si Eleazar sa mga kababayang Pinoy na respetuhin at mahigpit na sundin ang health safety protocols ng gobyerno para maging matagumpay na malabanan ang pagtaas ng bilang ng coronavirus. Bago kasi maging PNP chief si Eleazar ay naging hepe ito ng Inter Agency Task Force COVID-19 kaya alam niya ang sinasabi, di ba mga kosa?

“Buhay at kaligtasan ng bawat isa sa atin ang nakataya dito sa tuwing may lumalabag sa guidelines at hindi sumusunod sa minimum health safety standards. Hindi natin dapat maliitin ang hirap at dusa na dulot ng pagkakahawa sa Covid-19 at lalong huwag nating balewalain ang matinding sakripisyo ng ating mga health workers,” ang apela ni Eleazar. May punto si PNP chief dito ah di ba mga kosa? Mismooooo!

Ang PNP ay nautusan ni President Digong na sitahin o hulihin ang mga Pinoy na hindi nagsusuot o mali ang pagsuot ng face masks para lalong bumaba pa ang kaso ng COVID sa Pinas. Sa totoo lang, umabot na sa 566,177 Pinoy ang inaresto ng PNP sa paglabag ng minimum public health standards mula March 1 hanggang May 7 mula ng COVID outbreak. Sa record ng PNP, 219,778 dito ay bunga sa hindi pagsuot ng face shields, 185,010 ang binigyan ng warning, 28,559 ang pinagbayad ng danyos at 6,209 ang pinagmulta.

Umabot naman sa 226,904 ang sinita dahil sa hindi pagsuot ng facemasks, 127,060 ang winarningan, 81,354 ang pinagmulta at 18,490 ang kinasuhan. May 3,496 katao naman ang inaresto dahil sa mass gatherings, at 115,999 sa paglabag ng social distancing. Ipinaliwanag ni Eleazar na ang mga lumabag sa hindi pagsusuot ng face masks ay hindi ikukulong subalit i-book at imbestigahan. Ang hindi naman makayanang bumili ng face masks ay bibigyan. Abangan!

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with