^

Punto Mo

Rice Tariffication Law, nais amyendahan!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

DATI-RATI ang mga kapitbahay natin sa Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) ang umaangkat ng bigas sa Pinas. Nagpapadala pa sila ng mga estudyante sa Los Baños, Laguna para pag-aralan kung paano magtanim ng palay at dumami ang aanihin. Sa ngayon, baliktad na. Tayo na ang umaangkat ng bigas sa Vietnam, Laos, at iba pang ASEAN countries dahil hindi nabigyan ng tamang ayuda ng gobyerno ang ating mga magsasaka.

Ang masakit pa n’yan, mas minabuti pa natin na mag-angkat ng bigas keysa suportahan ang ating mga magsasaka na naging dahilan para magiging masyadong mababa ang presyo ng palay na ang idinulot ng pagkalugi ng ating kapatid na farmers. Get’s n’yo mga kosa?

Kaya to the rescue si Sen. Manny Pacquiao nang hinirit niya na amyendahan ang Rice Tariffication Law para umangat naman ang kabuhayan ng halos limang milyong magsasaka. Iginiit ni Pacquiao na hindi sapat ang ayuda para sa mga magsasaka sa ilalim ng RTL, sa pamamagitan ng Rice Competitiveness Enhancement Fund na ang layunin ay maibenta ng mga magsasaka sa tamang presyo ang kanilang produkto.

Ang unang hakbangin lang dito, ayon kay Pacquiao, ay ang paglaan ni President Digong at ng Kongreso nang sapat na pondo bilang pambili ng produkto ng mga magsasaka na palay. Mismoooo! Hak hak hak! Nasa tamang hakbangin lang si Pacquiao.

Sa totoo lang, isa si Pacquiao sa mga co-authors ng RA 11203 o RTL para tulunngan ang mga naghihirap na mga magsasaka. Subalit hindi pinatahimik ng mga magsasaka si Pacquiao at panay reklamo nila na itong RTL ay hindi nakatulong sa kalagayan nila kundi naging pahirap pa.

Dahil sa dumaraming reklamo ng mga magsasaka, naghain si Pacquiao ng Senate Resolution 554 noong isang taon pa para imbestigahan ng Senate Committee on Agriculture ang pagpatupad ng RTL, lalo na patungkol sa P10 bilyon na pondo ng RCEF.

Si Pacquiao ay nagsagawa rin ng «zoom consultation» sa mga farmer’s organizations para mapakinggan kung may kabutihang naidulot ang RTL sa kanila o dapat lang bang ibasura ang batas na ito. Nalulungkot kasi si Pacquiao na ang mga magsasaka na dapat ang nagpapakain sa mga Pinoy ay mismong walang makain. Mismooooo! Ano ba ‘yan? 

Kung sabagay, inaamin naman ni Pacquiao na may mga benepisyo ring naidulot itong RTL sa mga magsasaka kagaya sa Isabela subalit ‘yun ay dahil aktibo ang mga pamahalaang lokal sa pagbigay ng tamang suporta sa kanila. Sa ibang probinsiya ba bokya o iniiwan sa ere ang mga magsasaka?

Subalit dahil pinayagan ng gobyerno ang pagbaha ng imported rice sa merkado, abaaa halos di na maibenta ng mga magsasaka ang kanilang mga aning palay. Nakadagdag pa na limitado lang ang palay na binibili ng National Food Authority (NFA) na parang inaayunan pa ang pag-angkat ng bigas ng Pinas sa ibang bansa. Araguuyyyy! Hak hak hak! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Imbes na ibasura itong RTL, hinihirit ni Pacquiao na amyendahan na lang ito, dagdagan ang pondo ng RCEF para maiangat ang presyo ng bigas sa P20 bawat kilo. At ang mabibili naman ng NFA na palay ay ipamahagi na lang bilang non-monetary incentive sa mga naghihirap na manggagawa sa panahon ng pandemya. Abangan!

RICE TARIFFICATION LAW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with