^

Punto Mo

Ang resibo

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

SI Remaud na isang senador sa France ay nagrenta ng room sa hotel sa loob ng isang buwan. Binayaran niya ang isang buwang upa sa hotelkeeper. Pagkabayad ay tumalikod ang senador at umalis. Pinigilan siya ng hotelkeeper.

“Monsieur, ang resibo ninyo, sandali lang at gagawin ko pa.”

“Huwag ka nang mag-abala. Sapat nang alam ng Diyos na nagbayad ako.”

“Bakit Monsieur, naniniwala ka sa Diyos?”

“Yes of course. Ikaw, naniniwala ka ba sa Diyos?”

“Hindi.”

Sandaling nanahimik ang senador. At saka muling nagsalita.

“ On the second thought, bigyan mo ako ng resibo. Sige hihintayin ko.”

Bakit nagbago ang desisyon ng senador na kumuha ng resibo?

Sa loob-loob ng senador, ang paniniwala sa Diyos ay tulay upang maging disiplinado ang isang tao. Ang isang tao ay nagiging honest, sincere at truthful dahil alam niyang may Diyos na nakasubaybay sa kanya.

Ang kawalan ng paniniwala na may Diyos ay nagsasadlak sa isang tao na matuksong gumawa ng masama dahil wala siyang kinatatakutang maniningil sa kanya sa kabilang buhay.

“Never underestimate the power of Faith because when nothing seems possible, Faith makes it possible.” — Gift Gugu Mona

RESIBO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with