^

Punto Mo

EDITORYAL - Protektahan, Pinoy fishermen sa West Philippine Sea

Pang-masa
EDITORYAL - Protektahan, Pinoy fishermen sa West Philippine Sea

NOONG nakaraang buwan, maraming ma­ngingis­da sa San Antonio, Zambales ang nagsabi na wala na silang nahuhuling isda sa karagatang malapit sa kanilang lugar. Ang dahilan, maraming Chinese vessels ang naka-angkla sa lugar na kanilang pinangingisdaan. Nabubulabog ang mga isda sa ginagawa ng mga naka-angklang barko. Hindi raw nila alam kung ano ang ginagawa ng mga nasa barko sa lugar. Masyadong maingay umano ang ginagawa ng mga nasa barko kaya ang mga isda ay lumalayo dahilan para wala silang mahuli. Dati raw ay marami silang nahuhuling isda pero ngayon, wala na dahil sa ginagawang pambubulabog.

Hindi lamang ito ang reklamo ng mga Pilipinong mangingisda, nakakaranas sila ng pambu-bully at pangha-harassed sa mga barko ng China na nasa West Philippine Sea (WPS). Dati ay nakakapasok daw sila sa mga bahura at malayang nakakapangisda pero ngayon, malayo pa sila sa bahura ay binibigyan na sila ng babala ng mga barkong naglipana sa WPS. At wala silang magawa kundi ang umuwing walang huli. Mas mahirap daw kung tutuloy at baka banggain sila ng mga barko ng China. Ilan nang insidente ang naganap na binangga ng Chinese vessel ang bangkang pangisda ng mga Pinoy. Dahil sa pangyayaring ito, maraming Pinoy fishermen ang takot nang mangisda sa WPS.

Hinikayat naman ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang mga mangingisdang Pinoy na huwag matakot at magpatuloy na mangisda sa WPS. Dapat daw ay naroon ang mga Pinoy fishermen at nangingisda sapagkat ang lugar na iyon ang tradisyunal na pangisdaan. Teritoryo ng Pilipinas ang lugar kaya nararapat na makapangisda roon ang mga Pinoy.

Sabi ni BFAR director Eduardo Gongona, ang WPS ay nagpo-produce ng 300,000 metrikong tonelada ng isda at kailangan ito ng bansa. Kaya pinapayuhan niya ang mga mangingisda na pumalaot sa WPS.

May katwiran si Gongona na mangisda sa WPS sapagkat sakop iyon ng exclusive economic zone (EEZ). May karapatang mangisda roon ang mga Pinoy. Ang problema, walang proteksiyon na nakukuha sa gobyerno ang mga mangingisda. Hinahayaang i-bully at i-harassed. Inamin minsan ni President Duterte na hindi siya masyadong interesado sa pangingisda at hindi niya hahayaan na ang bagay na ito ay pagmulan ng di pagkakaunawaan ng Pilipinas at China.

Kung ganito ang katwiran, wala nang aasahan ang mga mangingisdang Pinoy na makakuha ng biyaya sa sariling teritoryo. Kawawa tayo.

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with