^

Punto Mo

Bayanihan ng mga Pinoy kitang-kita sa community pantry

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Sa kabila nang matinding hamon sa buhay ng mga Pinoy, lalo na ngayong panahon ng pandemya na talaga namang marami ang naapektuhan ang kabuhayan, kahanga-hanga dahil muling namamalas ang pagiging matulungin ng marami.

Talaga namang sasaluduhan mo ang mga nagsusulputan na community pantry kung saan nagkakaloob ng mga panguna-hing pangangailangan ang may kakayanan  o nakakaginhawa sa buhay para tulungan naman ang mga lubhang nangangailangan.

Maging ang Palasyo ay humanga rin sa ganitong gawi ng mga Pinoy.

Nakakatuwa ang ganitong gawi, na may temang ‘Magbigay ayon sa kakayahan, kumuha batay sa pangangailangan’.

Hindi lang naman sa panahong ito ng pandemya nasaksihan ang ganitong ugali ng Pinoy, kahit pa nga sa mga nagdaang matitinding kalamidad, kitang-kita ang ganitong pagbabayanihan.

Sa lahat ng ito, hindi rin naman dapat kalimutan ang pinaiiral na mga health protocol na para na rin sa ating kapakanan.

Hindi lang sa mga pangunahing pangangailangan dapat ang bayanihan, kundi magtulungan din na malabanan ang paglaganap pa ng virus na siyang ugat ng kaya marami ang naaapektuhan. Magbayanihan din tayo upang mabawasan kundi man tuluyang mawakasan ang COVID pandemic na ito.

Sana nga lang sa ganitong panahon, mawala na  pagsisilipan at pagbabangayan.

Nakapagpapagaan sa loob ang ganitong pagtutulungan, sa mabigat nang sitwasyon dala ng pandemya, dapat marahil na maiba naman at manaig ang pagiging positibo ng isat-isa na kakayanin ano man ang dumating, basta nagtutulungan nang sama-sama.

COMMUNITY PANTRY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with