^

Punto Mo

EDITORYAL – COVID-19 sa mga pampublikong sasakyan

Pang-masa
EDITORYAL – COVID-19 sa mga pampublikong sasakyan

NAKAPAGTATAKA na maraming kaso ng COVID-19 na naitatala sa mga empleado ng Metro Rail Transit (MRT), Light Rail Transit (LRT) at Philippine National Railways (PNR). Habang isinusulat ito, may naitala nang mahigit 600 empleado na positibo sa COVID. Noong nakaraang taon pa ay marami nang naiulat na kaso ng COVID sa MRT kaya mahigpit na ipinatutupad ang pagsusuot ng face mask at face shield sa mga pasahero. May pagitan ang upuan ng bawat pasahero. Kinukunan din ng temperature ang commuters bago pumasok sa station at marami ring nakapuwestong alcohol na pang-disinfect.

Pero sa kabila na ipinatutupad ang health protocol, napakarami pa ring nagpopositibong empleado. Kalabisang sabihin na pugad ng COVID ang mga train. Noong nakaraang linggo, sinuspende ang biyahe ng mga train para ma-disinfect ang mga bagon. Dati nang ginagawa ang pag-disinfect pero sa kabila nito, patuloy pa rin ang pagdami ng kaso. O baka naman, hindi maayos ang paglilinis ng mga hawakan ng pasahero. Hindi lubos na nadi-disinfect. Noong nakaraang taon, na-videohan ang dalawang empleado ng MRT na dinadam­pian lamang ng basahan ang mga railings o hawakan ng mga pasahero. Parang naglalaro lang ang dalawa sa ginagawa at walang pakialam kung nasa railings ang virus. Sinibak na ang dalawang maintenance worker.

Noong nakaraang Marso 29, ipinag-utos ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang pag-swab testing sa lahat ng train employees. Ito ay para masiguro na ang mga empleado ay hindi carrier ng virus. Gagawin umanong regular ang mass testing sa mga empleado.

Tama lang ang regular mass testing sa train employees para masigurong hindi sila nagdadala ng sakit at maipasa sa mga pasahero. Maraming pasahero ang MRT, LRT at PNR at paano kung sa empleado pala sila ng train nakakakuha ng sakit. Pero sabi naman ni Tugade, wala pa namang pangyayari o ebidensiya na ang pasahero ng MRT o LRT ay nahawahan ng empleado.

Hindi lamang ang empleado ng railways ang maaa-ring nagpopositibo sa COVID kundi pati na rin ang mga bus driver at konduktor. Kahit pa may pagitan ang upuan sa mga pampublikong bus, hindi pa rin nakasisiguro na ligtas ang pasahero. Dapat ding ma-swab test ang bus drivers at konduktor at sasagutin ito ng operator. Ito lamang ang paraan para hindi kumalat ang virus sa mga pampublikong sasakyan.

 

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with