^

Punto Mo

EDITORYAL - Malaking problema kapag mga bata ang nabiktima

Pang-masa
EDITORYAL - Malaking problema kapag mga bata ang nabiktima

WALANG sinisino ang COVID-19 – bata, matanda, mahirap man o mayaman kayang hatakin sa hukay. Ngayong tumataas na naman ang kaso ng COVID-19 na nagtatala ngayon ng 7,000 kaso bawat araw, nararapat nang gumawa nang epektibong paraan ang pamahalaan para makaiwas ang mamamayan sa bangis ng virus.

Noong nakaraang linggo, nagkasundo ang 17 mayors sa Metro Manila na huwag palabasin ng kani-kanilang mga bahay ang mga batang edad 15 hanggang 17 sa loob ng dalawang linggo. Tanging ang mga may edad 18 hanggang 65 ang papayagang lumabas. Sabi ni Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos napagdesisyunan ang age restrictions dahil sa duma­raming kaso ng COVID sa kalakhang Maynila. Sa dating guidelines, pinapayagang lumabas ang 15-anyos hanggang 65.

Pero sinasalungat ng United Nations International Children Emergency Fund (UNICEF) ang pagbabawal sa mga bata na lumabas ng bahay­. Ayon sa UNICEF ang pagbabawal ng huwag luma­bas sa loob ng dalawang linggo ang mga bata ay paglabag sa karapatan ng mga ito. Ayon pa sa UNICEF, malaki na ang epekto sa mga bata ng mga ipinatutupad na lockdown. Bagama’t na­uu­nawaan daw ng UNICEF ang hangarin ng pamahalaan na maiiwas sa sakit ang mga bata, hindi naman daw nararapat sapagkat inaalisan ng karapatan ang mga bata.

Hindi dapat matinag ang pamahalaan sa batikos ng UNICEF na pagbabawal na lumabas ang mga bata. Mas mahalaga ang buhay. Mahirap nang maibalik ang buhay kaya dapat gawin ang nararapat na panatilihin sa bahay ang mga bata. Mas delikado kapag nagkasakit ang mga bata lalo pa nga at wala pang bakuna para sa kanila.

Hindi dapat ikumpromiso ang kalusugan ng mga bata sa bangis ng pandemya. Huwag silang hayaan na lumabas ng bahay. Para ito sa kanilang kapakanan.

 

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with