EDITORYAL - Curfew sa Metro
MATAAS ang kaso ng COVID sa Metro Manila. “High risk’’ na. Naghahatid ng pangamba ang naitatalang kaso na umaabot sa 1,500 kada araw. Ayon sa OCTA Research Group, patuloy pang darami ang kaso kung hindi magpapatupad ng paghihigpit sa mga pagtitipon o mass gatherings, pagpapatupad ng curfew, pagbabantay sa mga border at iba pang may kinalaman sa health protocols.
Nagpasya agad ang Metro Manila mayors na magpatupad ng mahabang curfew para masa-wata ang pagdami ng kaso ng COVID. Napag-kasunduan ng mga mayor sa Metro Manila na ang curfew ay magsisimula ng 10:00 p.m. hanggang 5:00 a.m. Bukas (Marso 15) magsisimula ang curfew na tatagal ng dalawang linggo.
Sabi ni Metro Manila Development Autho-rity (MMDA) chairman Benhur Abalos napagkasunduan ang pagpapatupad ng curfew dahil sa tumataas ng kaso ng COVID sa Metro Manila at sa payo na rin ng Department of Health (DOH) at ng OCTA Research Group. Ayon kay Abalos, papayagan namang makalabas ng bahay ang mga essential workers tulad ng mga nagtatrabaho sa restaurant o food deli-very services. Kailangan lang na magpresenta ng identification card at certificate mula sa pinagtatrabahuhang establishment.
Nararapat ang pagpapatupad ng curfew sa Metro Manila para masawata ang mga pa-saway na sa disoras ng gabi ay nasa kalye pa at naglilimayon. Dapat ding masawata ang mga nag-iinuman sa kalye na inaabot ng madaling araw. Marami ring nagka-karaoke at yung mga nagtitipun-tipon na hindi na sinusunod ang health protocol. Maraming walang face mask at face shield.
Sana hindi ningas kugon ang pagpapatupad ng curfew. Sampolan ang mga lumalabag lalo na ang mga kabataan na sobra nang pasaway.
- Latest