^

Punto Mo

Sinampahan ng BP 22, maari pa bang sampahan muli ng civil na reklamo?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

May sinampahan po ako ng BP 22 ngunit hindi po umusad ang kaso. Maari po bang magsampa na lang ako ng civil case? Okay lang po sa akin kahit hindi ko na po maipakulong basta mabawi ko lang po ang halaga na nakalagay doon sa mga tumalbog na tseke. —Teresa

Dear Teresa,

Malinaw ang Rule 111 ng Rules of Court na hindi maaring magsampa ng hiwalay na civil case para mabawi ang halagang nakasaad sa tumalbog na tseke kung may nauna nang naisampa na criminal case para sa paglabag sa BP 22. Papayagan lamang ang hiwalay na civil case kung wala pang criminal case na naisampa para sa BP 22 at kahit sa ganoong pagkakataon ay maari pa ring pagsamahin ang dalawang kaso kung hihilingin ito sa korte.

Ayon kasi sa Korte Suprema sa isang kasong dinesisyunan noong 2005, magdudulot lamang ng patung-patong at sanga-sangang kaso na magpapabagal sa takbo ng kaso kung papayagan ang hiwalay na civil case para sa mga reklamong may kinalaman sa BP 22.

Base sa nabanggit, hindi ka na maaring magsampa ng hiwalay na civil case ukol sa mga tumalbog na tseke dahil automatic nang kasama ito noong ikaw ay nagsampa ng kriminal na reklamo sa ilalim ng BP 22. Maari ka namang magsampa ng civil case laban sa akusado basta’t may iba kang magiging basehan para sa iyong paniningil bukod sa mga tumalbog na tseke.

CIVIL CASE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with