^

Punto Mo

EDITORYAL - Daming estudyante salat sa gamit para sa distance learning

Pang-masa
EDITORYAL - Daming estudyante salat sa gamit para sa distance learning

KAWAWA ang mga mahihirap na estudyante ngayong ang mode ng pag-aaral ay sa pamamagitan ng online o distance learning. Dahil sa kasalatan sa buhay, maraming estudyante ang walang magamit na devices para makasunod sa online learning. Sa sitwasyong ito, mai-imagine na walang natutunan ang mga mahihirap na estudyante sa buong school year sa ilalim ng distance learning. Lubhang kawawa ang mga mahihirap lalo pa nga kapag sinagasaan ng pandemya na ipinagbabawal ang face to face classes.

Sa pinakahuling surbey ng Social Weather Stations (SWS), apat sa 10 estudyante ang walang sapat na devices para sa distance learning. Ayon sa surbey, 27 percent lamang ang may sariling devices at 12 percent ang nanghiram, samantalang ang 0.3 percent ay nirentahan ang devices. Ang natitirang 42 percent ay napag-alamang wala talagang gamit o devices para makasunod sa distance learning.

Karaniwang gamit sa distance learning ang smartphone, desktop, laptop, tablet at TV. Pinakamataas (96 percent) ang Metro Manila sa dami ng mga estudyanteng gumagamit ng devices. Sumunod ang Luzon (64 percent), Visayas (43 percent) at Mindanao (41 percent).

Ang mga estudyanteng walang gadgets para sa distance learning particular ang mga nasa liblib na barangay ay binibigyan ng printed modules para nila magamit. Ayon sa Department of Education (DepEd), buwan-buwan na dinadalhan ng printed materials ang mga estudyante.

Pinag-aaralan at pinagpaplanuhan na ng DepEd ang pagbabalik ng face to face classes sa mga lugar sa bansa na mababa ang kaso ng COVID. Ilang senador naman ang nagpahayag na sinsuportahan nila ang pilot testing ng limited face to face classes sa mga lugar na mababa ang COVID cases. Ayon sa mga senador, wala naman daw basehan na ang pagdaraos ng face to face classes ay source ng COVID-19.

Puwede nang subukan ang face to face classes sa mga lugar na mababa ang kaso ng COVID pero dapat ipatupad ang mahigpit na health protocol. Unahin din na mabaku-nahan ang mga guro na sasalang sa face to face classes.

 

DISTANCE LEARNING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with