Isang ‘‘space temple’’ na nakalagay sa isang private satellite ang binabalak ilunsad sa outer space sa taon 2023.
Proyekto ito ng Terra Space inc., isang Kyoto-based satellite research and development company at ng mga Buddhist monk ng Daigoji temple, ang isa sa pinakamatandang temple sa Kyoto, Japan.
Ang “space temple” ay tatawagin na Jotenin Gounji Temple at ilalagay ito sa isang satellite kasama ang isang maliit na rebulto ni Buddha at mga mandala paintings. Ang satellite na kinalalagyan nito ay iikot sa Earth isang beses bawat 90 minuto.
Nagsimula ang ideya ng “space temple” mula sa mga monghe sa Daigoji temple nang mapansin nila na nabawasan na ang mga bumibisita sa kanilang templo dahil sa COVID-19 pandemic.
Naisip nila na kapag nakalagay sa isang satellite ang kanilang temple, lahat ng tao sa mundo ay maaaring makapagdasal dito.
Ang proyektong ito ay nagkakahalaga ng 200 milng yen at kasalakuyang naghahanap ng investors ang Daigoji temple at Terra space inc. para mas mada-ling maisakatuparan ito.