^

Punto Mo

Kahayupang ginawa ng mga bgy tanod sa PWD sa Cavite!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

ANG ilang pulis, barangay officials, tanod at volunteers na tinaguriang front liners, sumosobra sa pagpapatupad ng batas.

Ilang video na sa social media ang nag-viral dahil sa mala-berdugong pamamaraan ng pag-aresto sa mga simpleng taong lumabag sa health protocols.

Etong inilapit sa BITAG nitong Miyerkules, isang mentally challenged na ama, inaresto at kinaladkad ng parang baboy ng mga tanod ng isang barangay sa Dasmariñas, Cavite.

Ipinadala sa amin ang video ng anak ng biktima. Makikitang umaawat ang anak na lalaki at nagsisigawan ang mga tao sa paligid na tigilan na at huwag saktan ang biktima.

Ang dahilan, wala raw itong facemask nang lumabas ng bahay at bumili sa tindahan.

Umakyat ang dugo ko sa ulo nang mangatwiran ang barangay chairman na nanlaban daw ito’t may dalang ice pick kaya inaresto. Anak ng tokwa, kitang-kita sa video na walang kalaban-laban ang ama na kinaladkad ng anim na tanod. Ano ‘to tanim-patalim para magkaroon ng dahilan ang kahayupang ginawa sa PWD?

Agad kong itinawag ito kay Department of Interior and Local Government Barangay Affairs Undersecretary Martin Diño. Binigyang diin ni Diño ang maximum tolerance.

Ayon kay Diño, may mga ordinansa at batas pambansa na maaaring isampa sa mga violators. Kaya hindi na kailangan ng dahas at anumang pananakit. Kung walang face mask o face shield ang isang tao, hindi rin ito basta-basta puwedeng arestuhin.

May due process na tinatawag kagaya ng subpoena kung ayaw nitong sumama sa imbitasyon. Kailangan din ng mga saksi na magpapatunay na ito’y lumabag.

Kasama sa maximum tolerance ang pagpapaliwanag sa mga lumalabag kung bakit kailangang sumunod sa health protocols.

Kaya kayong mga putok sa buho riyan na nagsilakihan ang ulo sa taas at baba dahil sa kakarampot na kapangyarihan, hindi n’yo kailangang manakit kung walang panganib ang taong sinisita o inaaresto n’yo!

Kung may naranasang ganitong pananamantala sa inyo o sa inyong lugar, #ipaBITAGmo.

TANOD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with